144 total views
Buo ang pag-asa ni Davao Archbishop Romulo Valles sa paggabay ng Panginoon para sa kanyang pamumuno bilang bagong Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (C-B-C-P).
Ayon kay Archbishop Valles, ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong CBCP President sa kabila ng mga limitasyon ay maituturing na isang kaloob ng Panginoon na buong puso niyang tatanggapin at pangangatawanan upang mabigyang kaluwalhatian ang kanyang Simbahan.
“I look at it with faith that even with all my limitations God must have allowed it, me to be elected as President and through me in my smallness would be able to do my job and do the affairs of the Conference in a way that could put the glory of God in his Church…” pahayag ni Davao Archbishop Romulo Valles sa panayam sa Veritas Patrol.
Inamin naman ni Archbishop Valles sa panayam ng Radio Veritas na ang pagsusulong ng aktibong pakikipagdayalogo ay pangkabuuang panawagan ng mga Obispo sa gitna ng patuloy na kinahaharap na krisis ng bansa at pagdurusa ng marami dahil sa patuloy na bakbakan sa Marawi City at banta ng terorismo sa bansa.
Ayon kay Archbishop Valles, napakahalaga ng panawagang ito na maututuring ring pangkabuuang panalangin ng bawat Obispo sa buong bansa.
“We have a statement to be released and that’s statement clearly is encouraging us to engage and put out efforts in promoting dialogue, especially in these times now with the crisis and the suffering that we have in Marawi, that is certainly in our statement. That is the wish and the project if we may call it that we are really saying in our statement that is very important…” pagbabahagi ni Archbishop Valles.
Papalitan ni Archbishop Valles ang kasalukuyang CBCP President na si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na nasa kanyang huling termino ngayong taon.
Ang mga opisyal ng C-B-C-P ay mayroong dalawang taong panunungkulan sa unang termino at dalawa pang taon sa ikalawang termino kung hindi magbibitiw sa puwesto.
Binubuo ang C-B-C-P ng 131 Obispo kung saan 5 ang nagsisilbi bilang administrastor, 83-Obispo ang aktibo habang 43 naman ang retirado.