145 total views
‘Bandwagon effect’ umiiral sa kandidatura ni presidential aspirant Davao City mayor Rodrigo Duterte.’
Ito ang nakikita ni Apostolic Vicariate of Jolo, Sulu Bishop Angelito Lampon na sistemang umiiral sa pangunguna sa mga survey ni Duterte sa pagka-pangulo.
Giit pa ng obispo, hindi dapat maging batayan ng mga botante ang dami ng taong nahahakot ng isang kandidato upang siya na ang iboto at iwaksi ang ‘bandwagon effect’ kung saan kapag nakita ng mga tao na maraming tao sa mga rally, nahihikayat ang iba na suportahan ito sa isip na malakas ang kandidato at may posibilidad na manalo.
“Napakaraming lumalabas na pag–uusap hinggil diyan. Ang kanyang character, personality, mga binibitawang salita, at yung mga itinatapon sa kanya ngayon na accusations. Pero nangunguna siya therefore it’s either talagang may charisma siya kahit ganoon ang nangyayari or tayong mga voters mismo ang nadadala sa mga paliwanag na parang ‘banwagon,’ na lang. kung sino yung nangunguna ganun at mga promises that they will change everything from the status quo, sige dun tayo,” bahagi ng pahayag ni Bishop Lampon sa panayam ng Veritas Patrol.
Paliwanag pa ni Bishop Lampon na pinagtutuunan ngayon ng pansin ng mga botante kung paano maayos ang “dysfunctional na status quo” ng ating bansa. “Kasi there is a dysfunction in the status quo at the moment kaya kung sino yung medyo makalampas tayo sa ganitong sitwasyon dun na tayo, but we are not certain of that with all that is much lining ngayon. Kung nangunguna siya that was also a reflection of who we are as voters kung totoo yung mga surveys,” giit pa ni Bishop Lampon sa Radyo Veritas.
Batay naman sa pinakabagong Pulse Asia presidential survey na noong Abril 16 hanggang 20, nakakuha si Duterte ng 35 percent mula sa 1,800 respondents para manguna.
Nauna na ring pinaalalahanan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na pumili ng kandidatong na kumikilala sa karapatan pantao at nagpapahalaga sa mga pangaral ng Simbahang Katolika.