Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Juanich, paiigtingin ang pangangalaga sa kalikasan sa kanyang pagreretiro.

SHARE THE TRUTH

 426 total views

Tiniyak ni Taytay, Palawan Bishop Edgardo Juanich na patuloy siyang magsisilbi sa simbahan sa adbokasiya nito na pangangalaga sa kalikasan.

Ito ay sa kabila ng pagtanggap ng Santo Papa Francisco sa kanyang pagreretiro bilang obispo ng Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan.

“Ibalik natin ang pagmamahal sa lupa, pagmamahal sa kalikasan. Masaya ang buhay na simple, at simpleng pagkain. Pero mahal natin ang kalikasan at doon natin kinukuha ang ating ‘strength’ sa ating pagdarasal, inspiration every morning kanta ng mga ibon, mga hamog ‘yan ang grasya ng Diyos na ibinibigay na hindi napapansin,” pahayag ni Bishop Juanich sa Radio Veritas.

Ang Obispo ay mananatili sa Palawan para sa pagpapatuloy ng mga programa ng bikaryato tulad ng adopt a mountain bilang pagtalima sa panawagan ng Santo Papa sa kaniyang ensiklikal na Laudato Si.

Dagdag pa ng obispo, hangad niya ang pagtatanim ng mga Pilipinong gulay at prutas na nawawala na sa pamilihan at napalitan ng mga pagkain ng mga dayuhan.

Naniniwala ang obispo na hangga’t may lupa ay may pag-asa na maisaayos na maibalik ang ganda ng kalikasan para na rin sa kapakinabangan ng susunod ng henerasyon.

Si Bishop Juanich ay isinilang noong April 1952; inordihang pari sa Palawan taong 1976 at taong 2002 ng italaga itong obispo ng Apostolic Vicariate of Palawan.

Siya ay nagsilbing Obispo ng Taytay sa loob ng 16 na taon hanggang sa kaniyang pagreretiro nitong nakalipas na Nobyembre 2018.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 3,492 total views

 3,492 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 19,581 total views

 19,581 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 57,381 total views

 57,381 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 68,332 total views

 68,332 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 14,060 total views

 14,060 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 2,723 total views

 2,723 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 22,726 total views

 22,726 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top