Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Boses ng maralita, pakikinggan ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

 818 total views

Pinaiigting ng social action arm ng Archdiocese of Cebu ang mga programang tutugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo na ang mga maralita.

Inilunsad ng Cebu Caritas Inc. – Commission on Service ang ‘Pakighimamat sa Anawim’ kung saan nabigyang pagkakataon ang mga mahihirap sa lalawigan na mapakinggan ng simbahan.

Ayon sa institusyon, layunin nitong mapakinggan at makapaglikha ng mga programa ang arkidiyosesis na pakikinabangan ng maralitang sektor at matulungang mapaunlad ang kanilang antas ng pamumuhay.

“The activity aims to listen to the cries and aspirations of the Anawim and to craft concrete programs and action plans to address their concerns. It is also a wonderful avenue for them to provide “sanctuaries” (dangpanan) for the various sectors when the need arises.” ayon sa Cebu Caritas.

Hinati sa tatlong grupo ang gawain kung saan nakatalaga sa bawat grupo ang mga obispo ng arkidiyosesis na sina Archbishop Jose Palma, Bishop Midyphil Billones at Bishop Ruben Labajo.

Batid ng simbahan ang mahirap na karanasan ng mga maralita dulot ng iba’t ibang pangyayari sa lipunan na nakadadagdag sa pasanin ng mamamayan tulad ng mataas na presyo ng bilihin at serbisyo at ang kawalang sapat na kita.
Nitong November 13 ipinagdiwang ng simbahan ang ikaanim na World Day of the Poor sa temang ‘For your sakes Christ became poor’ kung saan muling tiniyak ng simbahan ang pakikiisa at paglingap sa mga mahihirap sa lipunan.

Sa pag-aaral ng Social Weather Stations noong Oktubre naitala sa halos 13 milyong pamilya sa Pilipinas ang naghihirap habang halos tatlong milyon naman ang nagugutom.

Una nang inilunsad ng Archdiocese of Cebu ang Parish Caritas bilang hakbang sa pagpapaigting ng social programs ng simbahan at mapabilis ang paglingap sa mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,422 total views

 9,422 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,522 total views

 17,522 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,489 total views

 35,489 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,810 total views

 64,810 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,387 total views

 85,387 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,459 total views

 3,459 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,067 total views

 9,067 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,222 total views

 14,222 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top