Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese ng Balanga, naghandog ng kasiyahan para sa mga batang may cancer

SHARE THE TRUTH

 380 total views

May 20, 2020-11:35am

Nais ng Diyosesis ng Balanga, Bataan na pasayahin ang mga kabataang may karamdaman upang maibsan ang kalungkutan at paghihirap na naranasan dulot ng tinataglay na sakit maging ang pangamba laban sa novel coronavirus.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos mahalagang bigyan ng atensyon ang mga kabataan lalo na sa gitna ng krisis bunsod ng nakakahawang virus.

“In spite of their sufferings we have to bring not only hope and healing but also happiness to those children. Even with their fragile bodies we want to bring back smiles on their lips,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Nakipag-ugnayan si Bishop Santos sa kilalang ‘fastfood chain’ para mamahagi ng mga laruan at pagkain sa mga batang may cancer na kinakanlong ng diyosesis sa Residencia Sacerdotal-ang retirement home ng pari ng Balang. .

Binuksan ng diyosesis ang retirement home para sa mga batang may cancer nang italaga ang Bataan General Hospital para sa COVID-19 patients.

Nais ni Bishop Santos na maramdaman ng mga magulang ng 16 na kabataan na kaisa ang simbahan at pamahalaang panlalawigan ng Bataan sa kanilang kinakaharap sa gitna ng pandemya.

“It is our desire with this COVID-19 to make the parents feel that the Church in partnership with Provincial Government care and love them; we are their big brothers and sisters; Ours’ is ther home,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Sa kabila ng mga saradong parokya, patuloy na kumikilos ang simbahang katolika sa Bataan sa pamumuno ni Bishop Santos upang abutin ang mga mamamayang nangangailangan sa gitna ng krisis at ihatid sa bawat tahanan ang presensya at dakilang pag-ibig ng Diyos sa paglingap sa kapwa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,018 total views

 28,018 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,118 total views

 36,118 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,085 total views

 54,085 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,125 total views

 83,125 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,702 total views

 103,702 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,244 total views

 5,244 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,851 total views

 10,851 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,006 total views

 16,006 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top