Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diyosesis na tatamaan ng bagyong Karen, nakaalerto

SHARE THE TRUTH

 241 total views

Umapela ng panalangin ang Prelatura ng Infanta sa banta ng pananalasa ng bagyong Karen sa lalawigan ng Aurora.

Ayon kay Rev. Fr. Israel Gabriel, Social Action Director ng Prelatura ng Infanta, nangangamba sila sa posibleng maging epekto ng bagyo bagamat nanatili pang kalmado at normal ang panahon sa lalawigan ng Aurora.

Tiniyak ni Fr. Gabriel na patuloy ang kanilang komunikasyon sa mga parokya na nasa baybaying dagat, at inaabisuhan nila ang mga ito na agad magsagawa ng karampatang aksiyon sakaling lumakas pa ang bagyong Karen.

Hinimok ni Fr. Gabriel ang lahat na manalangin at gamitin ang kanilang mga natutunan mula sa pinsala ng mga nagdaang kalamidad.

“Kami ay nanawagan ng panalangin hindi lang sa lalawigan ng Aurora kundi maging sa buong Pilipinas na wag na sana magdulot ng epekto na masyadong mabigat… mas mahalaga ang buhay, ang mga pananim, ngayon pa lang namumunga ang mga pananim tapos meron na naman bagyo kaya wag na sana [makapinsala],”pahayag ni Fr. Gabriel sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag naman ni Fr. Renato Dela Rosa, Social Action director ng Virac Catanduanes na nararanasan na nila ang pag-ulan sa kanilang lalawigan bagamat hindi naman ito nagdudulot ng malakas na paghangin na kanilang mas pinangangambahan.

Tiniyak ni Fr. Dela Rosa na naka-alerto na ang kanilang mga kababayan at umaapela din ito sa mga residente na makinig sa mga babala ng mga kinauukulan.

“Everyone is cautioned and those at the seaside residing were warned and alerted,” mensahe ni Fr. Dela Rosa sa Radio Veritas.

Samantala, naka-alerto na din ang Diocese of Legaspi sa lalawigan ng Albay sa ano mang maging epekto ng bagyong Karen pagtitiyak ni Fr. Rex Paul Arjona, Social Action Director ng nasabing diyosesis.

“Pastors and PCSC’s are encouraged to have meeting today and coordinate with CMDRRMC and BDRRMC [PaDRE] funds may be used in case of evacuees and basic relief operations,” pahayag ni Father Arjona sa Radio Veritas.

Ang tropical storm Karen ay kasalukuyang kumikilos pa west northwest sa bilis na 9 na kilometro kada oras taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometro kada oras at pagbugso na nasa 105 kilometro kada oras.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 3,183 total views

 3,183 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,634 total views

 36,634 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 57,251 total views

 57,251 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 68,903 total views

 68,903 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 89,736 total views

 89,736 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 16,515 total views

 16,515 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Sorsogon, umaapela ng tulong

 16,928 total views

 16,928 total views Kumikilos na para makatulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan ang Social Action Center ng Diocese of Sorsogon. Batay sa monitoring

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top