Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hacking sa FB accounts ng mga opisyal ng Simbahan, pinapaimbestigahan sa Senado

SHARE THE TRUTH

 3,813 total views

Nagbabala sa publiko ang Diocese of Cubao makaraang ma-hack ang Facebook account ni Bishop Honesto Ongtioco.

Sa impormasyong nakalap ng himpilan, ginamit ng hacker ang personal messenger account ng obispo upang humingi ng tulong pinansyal kung saan isa sa mga nakatanggap ng mensahe si Radio Veritas Station Manager Riza Mendoza.

Pinag-iingat ng diyosesis ang mamamayan at binalaang balewalain ang anumang mensaheng matatanggap mula sa account ni Bishop Ongtioco.

“Please refrain from responding to them if they are asking for any monetary assistance. You may message us here for verification.” pahayag ng Diocese of Cubao.

Bukod kay Bishop Ongtioco biktima rin ng hacking incident ang account ni Fr. Rey Paglinawan at Sr. Meriam Bauzon ang secretary ng obispo.

Samantala dahil sa sunod-sunod na hacking incident, hiniling ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa senado ang malawakang imbestigasyon upang malutas ang suliranin at mapanagot sa batas ang mga sangkot sa hacking.

Magugunitang na-hack din ang personal account ni Bishop Bagaforo at ang official Facebook page ng Kidapawan kamakailan gayundin ang facebook page ng Diocese of Butuan.

Apela ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga Pilipino na ipagbigay alam sa kinauukulang tanggapan ng simbahan o mga diyosesis kung makatanggap ng kahina-hinalang mensahe mula sa social media accounts ng mga tanggapan at lingkod ng simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 20,653 total views

 20,653 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 28,753 total views

 28,753 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 46,720 total views

 46,720 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 75,844 total views

 75,844 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 96,421 total views

 96,421 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,586 total views

 4,586 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,193 total views

 10,193 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,348 total views

 15,348 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top