Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hinikayat ng kinatawan ng mga overseas Filipino workers sa kamara ang mga embahada ng Pilipinas sa mga bansang mayorya ang mga Muslim na tulungan ang mga nakakulong na Filipino o nahaharap sa parusang bitay.

SHARE THE TRUTH

 1,667 total views

Hiniling di ni Kabayan Party list Rep. Ron Salo ang tulong ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) lalo na ngayong panahon ng Ramadan na magsisimula bukas March 22.

Ito ay kaugnay na rin sa ulat ng Department of Foreign affairs na may kabuuang 83 mga Filipino ang nasa death row kabilang na ang 56 sa Malaysia; 6 sa UAE; 5 sa Saudi Arabia; 1 sa Indonesia-ang kasi ni Mary Jane Veloso; at 15 mula sa Bangladesh, China, Vietnam, USA, Japan, at Brunei.

Sa kabuuan may 1,267 ang mga Filipino ang nakakulong sa kabilang na ang 914 sa mga bansa sa Gitnang Silangan; 321 sa Asia Pacific; 23 sa Europa; 5 sa America; at 4 sa Africa.

Ayon sa mambabatas, kasabay ng pagdiriwang ng Ramadan ng mga Muslim-ang panahon ng awa at habag na naangkop na pagsasabuhay lalo na sa mga Muslim country sa pamamagitan ng pagmamalasakit na nakakulong.

“I hope that this call to action will be heeded by Philippine embassies around the world and that the government of Muslim majority countries will show mercy and compassion towards Filipinos during this holy month of Ramadan,” dagdag pa ni Salo.

Giit pa ni Salo-ang pinuno ng House Committee on Overseas Workers Affairs na ayon sa kasaysayan ay karaniwang panahon na nagpapalaya o pagpapababa ng sentensya sa mga nakakulong.

Ayon pa sa mambabatas marapat lamang na gawin ng bawat isa ang lahat ng paraan upang mailigtas mula sa kamatayan ang ating mga kababayan at hilingin ang kanilang kalayaan.

Sa mga nakalipas na taon, kasabay ng Holy Month ng Ramadan ilang mga bilanggo ang ginawaran ng pagpapatawad at binabaan ang sentensya sa tulong na rin ng ating mga embahada.

Noong 2018, nagbigay ng royal pardon ang Emir of Qatar sa 25 Filipino sa pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan ng Muslim.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 29,134 total views

 29,134 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,234 total views

 37,234 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,201 total views

 55,201 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,231 total views

 84,231 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,808 total views

 104,808 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top