Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“I will always uphold the precepts of participatory at servant leadership,”- Bishop Andaya

SHARE THE TRUTH

 14,828 total views

Tiniyak ni Cabanatuan Bishop Prudencio Andaya, Jr., CICM ang pakikiisa at pakikilakbay sa kristiyanong pamayanan ng Southern Nueva Ecija.

Ayon sa obispo paiigtingin nito ang participatory at servant leadership sa pagpapastol sa mahigit isang milyong katoliko ng diyosesis.

“In my role as bishop, I want you to know that I always uphold the precepts of participatory and servant leadership, I commit to walk with you in and through your struggles, your joy and aspirations and hopes of the people in this diocese,” bahagi ng mensahe ni Bishop Andaya.

Apela ng obispo ang pagtutulungan bilang isang simbahan upang maitaguyod ang nagbubuklod na pamayanan at mapagaan ang bawat pagsubok na kinakaharap tungo sa tunay na pag-unlad.

Aminado si Bishop Andaya na hindi nito magagampanang mag-isa ang pagpapastol at paghilom mula sa anumang karanasan kundi kinakailangan nito ang kooperasyon sa nasasakupang kawan.

Sinabi ng obispo na sa pagtutulungan ay napapagaan ang mga tungkuling pastoral at espiritwal kaya’t dalangin nito ang higit na paggabay ng Espiritu Santo para sa kalakasan sa pagtataguyod sa nasasakupang kawan.

“It is my prayer that my ministry will strive to strengthen everyone that is bearing the burden of his life, encourage the faint hearted, support the weak, challenge those who oppose the gospel, and protect our flock against its enemies. Together we will liberate the oppressed, reconciled those in conflict and bear ones another burdens,” ani Bishop Andaya.

Sa homiliya ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas iginiit nitong ang pagkatalaga kay Bishop Andaya bilang obispo ng Cabanatuan ay dahil sa natatanging pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan batay sa kanyang episcopal motto na ‘Caritas Christi Urget Nos.’

“Si Bishop Jun ay isinugo sa atin ng Diyos hindi dahil sa kanyang katangian kundi dahil sa pag-ibig ni Kristo. Ito ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa atin,” ayon kay Archbishop Villegas.

Samantala pinasalamatan ni Bishop Andaya si Bishop Emeritus Sofronio Bancud, SSS na nagpastol sa Cabanatuan sa nakalipas na dalawang dekada mula Enero 2005.

Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Andaya sa cathedra ng St. Nicolas of Tolentine Cathedral sa Cabanatuan City na sinaksihan ng mananapalataya, mga lider ng lokal na pamahalaan at mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis lalo na ang mula sa ecclesiastical province of Lingayen Dagupan kung saan kabilang ang Cabanatuan.

Si Bishop Andaya na tubong Kalinga ay inordinahang pari ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary noong 1986, naging misyonero sa Zambia Africa at nagsilbing Socius at Novice Master ng CICM Novitiate sa Taytay Rizal.

Taong 2003 nang italaga si Bishop Andaya bilang pastol ng Apostolic Vicariate ng Tabuk.

Ipapapastol ni Bishop Andaya ang mananampalataya sa 30 mga parokya sa 15 mga bayan kabilang na ang mga lunsod ng Gapan at Palayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

POOR GETTING POORER

 30,158 total views

 30,158 total views Bakit hindi na nakaka-ahon sa kahirapan ang maraming Pilipino habang patuloy namang yumayaman ang mga mayayaman na? Ano ang pumipigil sa mga mahihirap

Read More »

LUCKY 15

 48,750 total views

 48,750 total views Sila ang pinagpala., ang 15 kumpanyang ito ang nakakuha ng mahigit sa 100-bilyong pisong flood control projects 0 20-porsiyento ng kabuuang flood control

Read More »

Sumbong sa pangulo

 65,260 total views

 65,260 total views Mga Kapanalig, inilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr noong nakaraang Lunes, Agosto 11, ang “Sumbong sa Pangulo” website na layong magbigay impormasyon tungkol

Read More »

Tapang at malasakit sa gitna ng panganib

 84,482 total views

 84,482 total views Mga Kapanalig, dahil sa mahusay na pagmamaniobra ng Philippine Coast Guard (o PCG), nakaligtas ang kanilang barko sa muntikang banggaan ng mga barko

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

PPCRV, umalma sa pagpapaliban ng BSKE

 21,625 total views

 21,625 total views Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na igalang ang kasagraduhan ng regular na pagsasagawa ng halalang pambarangay sa bansa. Ito

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top