213 total views
Nanawagan Lipa, Batangas Archbishop Ramon Arguelles, na ipanalangin ang bansa mula sa iba’t ibang uri ng tukso na dahilan upang mapalayo ang mga mananampalataya sa mabuting salita ng Diyos.
Partikular na pinuna ni Archbishop Arguelles, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- Permanent Committee on Public Affairs, ang dalawang araw na pagtatanggahal ng international artist na si Madonna sa bansa na isang dahilan upang magkasala ang mga manunuod dahil narin sa malalaswang kasuotan at mga hindi mabuting salitang ginagamit nito.
Dagdag pa ng Arsobispo, nararapat na ring sugpuin ang lumalaganap na Ideological Colonization sa bansa na nagbubunga ng paglapastangan sa turo ng Simbahang Katolika at maging sa salita ng Diyos.
“Before it was Lady Gaga. Now it is Madonna! Why is Catholic Philippines the favorite venue for blasphemy against God and the Holy Mother! Let us pray for our country that the devil will not succeed to draw anyone from this PUEBLO AMENTE DE MARIA to his evil ways. Lord Jesus, save us from this ideological colonization. Mamy Mary, protect the Philippines!”Ang bahagi ng mensahe ni Archbishop Arguelles.
Batay sa tala ng National Statistics Office noong 2010, mayroong higit sa 74 na milyon ang mga Katoliko sa bansa na katumbas ng 80.6 na porsyento sa kabuuang populasyon ng Pilipinas.
Sa talang ito, matatagpuan sa Metro Manila ang 14 na porsyento ng mga Katoliko na tinatayang aabot sa 10 milyong indibidwal habang sa Cebu City naman na tinaguriang Cradle of Christianity o pinagmulan ng Katolisismo sa Pilipinas naitala ang higit sa 4 na milyong mga Katoliko na pinakamarami sa mga probinsya sa bansa.