13,934 total views
Ito ang panawagan ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa pamahalaan sa paggunita ng International Day of Education sa ika-24 ng Enero, 2024.
Ayon kay SCMP President Kej Andres, ang edukasyon ay paraan upang mahasa ang mga talento at kasanayan ng kabataan na biyaya ng Panginoon.
“Naniniwala ang kabataang Kristiyano na ang edukasyon ay daan sa pagtuturo at pagpapaunlad ng mga talentong biyaya sa atin ng Maykapal, upang maisakatuparan ito, nararapat na malatag ang mga kondisyon na magtitiyak na ang edukasyon sa Pilipinas at karapatan, abot-kaya, at malaya,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Andres sa Radio Veritas.
Umaasa si Andres na mabatid din ng bawat mag-aaral na sa tulong ng edukasyon ay mapapalawak ang kanilang kamalayan.
Ipinaalala ni Andres sa mga kabataan ang mga natutunan upang iparating sa kapwa ang pag-ibig ng Diyos.
Naniniwala ang SCMP na sa pamamagitan ng edukasyon ay makakaahon ang isang indibidwal sa kahirapan.
“Higit pa roon, pinapahalagahan natin ang edukasyon na magbibigay ng oryentasyon kung para kanino ba dapat ang ating mga natutuhan sa paaralan, walang iba kundi sa paglilingkod sa kapuwa nating mahihirap at aba. Inilalagay ng edukasyon sa wastong landas ang kabataan kung nagtuturo ito ng mga halagahan upang maging makakalikasan, makabayan, makamahihirap, at maka-Diyos ang kabataang Pilipino,” ayon sa ipinadalang mensahe sa Radio Veritas ni Andres.
Ngayog taon ay itinalaga ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO ang tema ng International day for education na “learning for lasting peace”.