Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Jueteng lalong mamamayagpag sa pagdami ng STL

SHARE THE TRUTH

 398 total views

Nakakahiya na ang budget na gagamitin ng pamahalaan para sa operasyon ng sugal na pupuksa sa jueteng ay mula din sa sugal.

Ito ang naging pahayag ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa inaasahang makokolektang P27 bilyong kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at gagamitin upang palawigin pa ang operasyon ng mga small town lottery (STL) sa bansa.

Ayon kay Archbishop Cruz, lingid pa sa kaalaman ng pamahalaan na ginagamit rin ang mga STL upang palaganapin ang jueteng at sakaling gawing nationwide ang STL ay tiyak na darami rin ang mga illegal gambling sa bansa.

“Naku naman hindi ba alam ng pamahalaan natin na yung mismong STL ay ginagamit na rin sa jueteng na ang mga kubrador ay naka – STL ID’s sa kanilang dibdib pero ang itinitinda ay jueteng. Mangyayari niyan habang dinamihan ang STL games lalong lalaganap rin ang jueteng games.”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Sinabi ng founder ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng na kailanman ay mahirap pagkatiwalaan ang mga taong nabubuhay sa sugal at nagiging “Philippine Amusing Gambling Corporation” ang bansa dahil mahigit 35 malalaking korporasyon ng pasugalan ang nandirito na sa Pilipinas.

“Napakahirap pagkatiwalaan ang taong nabubuhay sa sugal. Nahihiya ako kapag sinasabing Philippine Amusement and Gaming Corporation, my goodness that is hypocrisy! Philippine Amusement and Gaming Corporation hindi dapat Philippine Amusing Gambling Corporation.” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Samantala sa kasalukuyan mayroon ng 56 na STL sa buong bansa mula sa dating 18 lamang.

Nauna na ring ipinanawagan ni Archbishop Cruz kay PCSO General Manager Alexander Balutan magbitiw na sakaling hindi nito kayang wakasan ang jueteng sa bansa.

Read: http://www.veritas846.ph/pcso-officials-mag-resign-na/

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 15,381 total views

 15,381 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 23,696 total views

 23,696 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 42,428 total views

 42,428 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 58,697 total views

 58,697 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 59,961 total views

 59,961 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 40,283 total views

 40,283 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 39,243 total views

 39,243 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 39,373 total views

 39,373 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 39,352 total views

 39,352 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top