Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

 115,677 total views

Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon.

Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa.

Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat isa ang pagkakawanggawa upang matulungan ang mga higit na maaapektuhan ng sakuna.

Paliwanag ng Obispo na sa pamamagitan ng pagbabayanihan ay maiibsan ang pinagdadaanang hirap ng bawat isa dulot ng pinsala ng bagyo.

“Panatilihin natin ang ating pananalangin sa Diyos na ilayo tayo sa matinding sakuna na idudulot ng bagyo. Malaking bagay ang magagawa ng pagbabayanihan sakali mang maghatid ng malaking pinsala ang bagyo. Lakasan lang din po natin ang ating loob at patuloy na manampalataya sa Diyos.” panalangin ni Bishop Presto.

Pinapaalahanan naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mga maaapektuhan ng bagyo na sumunod lamang sa mga panuntunan ng mga kinauukulan para sa paglikas upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Kasabay naman ng paggunita sa National Migrants’ at National Seafarers’ Sunday ngayong araw, dinadalangin din ni Bishop Santos na walang gaanong idulot na pinsala sa mga ari-arian at buhay ang Bagyong Karding.

“Here, in the Diocese of Balanga aside praying and offering Holy Masses for all of our migrants and seafarers, we pray that this typhoon Karding will not lead us to destruction and death. Let us pray invoking the words of our Lord Jesus,” be still, it is the Lord.”,” ayon kay Bishop Santos.

Iginiit naman ni Jun Cruz, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na makakatulong ang sama-samang panalalangin ng bawat mananampalataya upang mapanatiling ligtas ang bawat isa mula sa pinsalang maaring idulot ng bagyo.

Nawa ayon kay Bro.Cruz ay biyayaan ng Panginoon ang bawat isa ng karagdagang proteksyon mula sa bagyo.

“Dear Brothers and Sisters, let us come together in prayer asking the Lord for protection for His People. Even now let us ask Him to cast away this typhoon and calm it down by His power, Amen!” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bro.Cruz sa Radio Veritas.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, ganap nang naging Super Typhoon ang Bagyong Karding habang papalapit sa kalupaan.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 76-kilometro silangan ng Polilio Islands na kumikilos pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hanging aabot ng 195 km/h at pagbugso na 240 km/h.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 5,703 total views

 5,703 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 26,431 total views

 26,431 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 34,746 total views

 34,746 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 53,414 total views

 53,414 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 69,565 total views

 69,565 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 18,250 total views

 18,250 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 100,887 total views

 100,887 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 91,131 total views

 91,131 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top