Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapayapaan ng kaluluwa ng namatay na SOcCOM director, ipinapanalangin ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

 743 total views

Ipinapanalangin ng Diyosesis ng Antipolo ang kapayapaan ng kaluluwa ni Reverend Father Nomer de Lumen na pumanaw nitong ikasiyam ng Setyembre,2020.

Sa pahayag ni Antipolo Bishop Francisco De Leon sa Radio Veritas, ipinagdasal din nito ang paghilom ng pamilya ng pari.

Pinaalalahanan din ng Obispo ang bawat isa na patuloy magtiwala at manalangin sa Diyos.

“The laity & clergy of the Diocese of Antipolo continue to pray for repose of the soul of Fr. Nomer & for the healing of his family! St. Padre Pio said ‘Pray, hope, don’t worry. Worry is useless,” pahayag ni Bishop de Leon sa Radio Veritas.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pagkamatay ni Fr. de Lumen na tumatayong Social Communications Ministry (SOcCOM) director ng Diocese of Antipolo.

Labis ikinalungkot ng mananampalataya ng Antipolo ang nangyari sa pari partikular na ang parishioners ng St. John the Baptist Parish sa Taytay Rizal kung saan parochial vicar si Fr. de Lumen.

Ika – 11 ng Setyembre ng ihatid sa huling hantungan ang pari sa Tanay Rizal.

Una nang nanawagan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa kapwa obispo na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga pari na hindi rin ligtas sa depresyon lalo’t nalilimitahan ang pagsasagawa ng kanilang mga pastoral activities dahil sa ipinatupad na community quarantine.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,543 total views

 10,543 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,643 total views

 18,643 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,610 total views

 36,610 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,927 total views

 65,927 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,504 total views

 86,504 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,562 total views

 3,562 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,170 total views

 9,170 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,325 total views

 14,325 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top