238 total views
Makakamit ang kapayapaan at ang paghilom ng mga sugat ng nakaraan bunga ng kaguluhan kung ang mga lider ng isang komunidad ay tapat sa kanilang panunungkulan ng walang halong pansariling interes.
Sa Truth Forum ng Radyo Veritas, ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, dahil dito, hindi dapat haluan ng paghihiganti ang paglilingkod sa bayan upang makamit ang pagkakaisa at mawakasan ang mga karahasan at hindi pagkakasundo-sundo.
Dagdag ni Padilla, ito ang ilan sa mga dahilan kayat non-partisan ang mga sundalo na ang tanging layunin lamang ay ang magkaroon ng malinis, tapat at kapani-paniwalang halalan.
“Madaling maghiganti at mag-instigate ng violence pero magtrabaho para manghilom at gamutin ang mga nangyari noong araw ay isang proseso na matagal para gamutin pero pag ikaw ay sinsero kaya mong gawin yan , kaya non-partisan tayo, lahat ng ating mga sundalo, marino, airman at sailor ay ang kanilang pakay ay magkaroon lang ng malinis maayos at kapani-paniwalang halalan.” Ayon kay Brig. Gen. Padilla.
Kaugnay nito, pinuri at sinang-ayunan ng AFP spokesman ang programa ng Radyo Veritas na pagsusulong ng tamang katangian ng isang leader na gamit na batayan ang listahan ng servant leadership ngayong May 9, 2016 local and national elections.
“Maganda ang ginagawa ninyong programa na pag-usapan ang tamang qualities ng isang leader,isinusulong namin ang ‘tenets of servant leadership’, madami sa aming seniors ay isinulong ang ganitong practice 101 % kampi kami sa inyo sa pagsulong ng pagpili ng mga kandidato na gamitin nitong batayan ang listahan ng servant leadership, anumang listahan ng leadership qualities, pero walang nagka-capture sa tunay na pagsisilbi maliban sa servant leadership tenets, 10 tenents, madalas na natin mabasa noong araw pa, at proven ito, may naging boss ako na kapag nakita ko na nasa isang tao na tinutupad niya with all sincerity na maayos ang kanyang governance, maayos ang pakikitungo sa tao, kung tratuhin niya lahat just and fair at di pumapanig sa kahit kanino at ang kanyang moral standing ay firm at may basis, kung ihahambing sa ibang list ng mga tenets or qualities wala ng naka-capture na selfless leaderdship and selfless service maliban sa mga ito, lalo na ang healing process,” ayon pa kay Gen. Padilla.
Samantala, aminado si Gen. Padilla na nagamit na sa pamumulitika ang mga sundalo.
Ito ay noong panahon ng Martial Law subalit sa ngayon sa bagong Konstitusyon, naninindigan na ang militar na hindi lahat ng atas na nakabse sa chain of command ay dapat sundin lalo at wala ito sa kanilang sinumpaang salaysay.
“Merun pong pagkakataon na nagamit tulad ng nangyari noong Martial Law, open na usapin ito, madaming nagsabi being instrument of policy, nagamit tayo sa pagpapatupad ng Martial Law, ginampanan naman ng militar ang dapat gawin, but in the process,may awareness na ang mga dundalo, ang chain of command pinangangalagan yan, hindi lahat ng order ay maaring sundin, kaya nong nagkaroon ng issue ng Edsa 1 at 2, malaki ang role ng AFP, at yung awareness na ito na matibay na paninindigan sa paggawa ng tama sa legal order na dapat sundin pumasok sa usaping yan, kaya nung may bagong batas maliwanag, sa mga lider natin now, yung awareness na ito , nako-correct na yan unti unti, para maging ganap at angkop ang paninilbihan ng sundalo sa ating bansa na hindi dapat, basta batas na lamang gamitin ng sinuman para sa kanyang sariling interes, ang batas ngayon ang nag ga-guide sa bawat sundalo.” Ayon pa kay Padilla.
Hanggang noong 2013, nasa 165, 500 ang populasyon ng mga sundalo sa bansa.