198 total views
Inihayag ng government peace panel legal head on the Bangsamoro Basic Law na hindi kinakailangan na ‘all out’ ang suporta sa BBL ng susunod na mamumuno sa bansa.
Ayon kay Atty. Anna Tarhata Basman, lega head ng GPH peace panel, maliban dito, kinakailangan din na may alam sa usapin ang komunidad na apektado ng kaguluhan kahit pa may kasunduan na ang pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Dagdag ni Basman, mas mahalaga na malaman ng ibat-ibang panig kung bakit nagkaroon ng digmaan at kung paano ito maso-solusyunan.
“Hindi kailangang all out support sa BBL lalo na at hindi pa naiintindihan, understanding is key to resolving this issue, mahihirapan din tayo sakaling maipasa yan kung walang pag-iintindi sa mga komunidad, hindi ma-implement ng maayos bakit ito pinaglalaban ng govt. ng MILF kundi ang mga kopmunidad sa mga apektado ng conflict, mas importante ang pagintindi kung bakit may kaguluhan at paana natin sosolusyunan ito.” Pahayag ni Basman sa Truth Forum ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, ayon kay Atty. Basman, wala na sa kaisipan ng mga Morong biktima ng karahasan ang maghiganti subalit hindi pa rin ito dahilan upng makamit ng tuluyan ang kapayapaan na matagal ng inaasam-asam sa Mindanao.
Pahayag ni Basman, isa sa dapat ikonsidera ng susunod na lider ay kung bakit sumasanib sa mga armadong grupo ang mga moro o Muslim sa Mindanao na isa sa dahilan ay ang maramdamang pinabayaan na sila ng pamahalaan.
“How do we deal with the bangsamoro problems paano natin tinitingnan yan, maraming ganyang kuwento sa side ng moros, maraming mga undocumented na mga massacre na naganap dun, kaya yung ibang mga tao, naisip na parang di sila napoproteksyunan ng mga lider natin, local or central leadership sa central govt kaya nag take up ng armed, mahaba pa ito simula pa panahon ng kastila…sa paghihiganti, halimbawa mataming napatay dahil sa ilang taon sa polisiya ng govt na hindi naisip ang kapakanan ng mga moros, kung pakikinggan natin ang mga tao, wala na dun ang paghihiganti, sa isang mosque sa Maguindanao, 2,000 sila doon, pinagbabaril, sa isang araw lamang namatay sila, 1-2 survivors expect mo sa survivors maghihiganti pero gusto nila mag move na lang, sabi nga ni (Fr. Jerome) bago makarating sa confidence and trust, sa peace process with Bangsamoro 1976 pa start ng bangsamoro, dito pa lanag milestine na” ayon pa kay Atty. Basman.
1997 pa ang usapin ng BBL, subalit 2014 lamang nagkaroon ng final peace agreement at hindi pa tuluyang naipatutupad hanggang sa ngayon.
Dalawamput apat na porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay taga Mindanao habang 32% nito mga Muslim.
Sa record ng Philippine government mula sa Alamia, dahil sa kaguluhan particular na sa Mindanao, nas amahigit 60,000 na ang nasawi, 2 milyon ang internal refugees, 535 mga mosques at 200 paaralan na ang nawasak habang gumastos na ang pamahalaan ng P76 bilyon para lamang masawata ang kaguluhan sa Mindanao.