Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karapatan, positibo sa pag-usad ng pre-trial sa war on drugs ng administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

 1,539 total views

Umaasa ang human rights group na Karapatan na tuluyan ng maparusahan ang lahat ng sangkot sa marahas na war on drugs ng dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang bahagi ng pahayag ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay, matapos na ipinag-utos ng pre-trial chamber ng International Criminal Court na ituloy na ang imbestigasyon ng ICC prosecutor sa drug war killings na naganap sa Pilipinas.

Ayon kay Palabay, nawa ay magsilbing babala rin sa kasalukuyang administrasyon ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng ICC upang wakasan na ang madugong implementasyon ng programa laban sa ilegal na droga sa bansa.

“That is welcome news. We hope that the ICC pre- trial chamber pursues investigation until former Pres. Rodrigo Duterte is convicted and punished for the deaths of thousands in his regime’s bloody anti-drug war. This should also serve as a warning to the current regime for essentially continuing Duterte’s policies on the drug war.” Ang bahagi ng pahayag ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay.

Matatandaang inakusahan ng crimes against humanity si dating Pangulong Duterte at dating Philippine National Police chief at incumbent Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa mga kaso ng extrajudicial killings na may kaugnayan sa War on Drugs noong 2016.

Setyembre ng taong 2021 nang sinimulan ng ICC ang imbestigasyon sa mga kaso ng extrajudicial killings sa Pilipinas ngunit nasuspinde noong Nobyembre ng taong 2021 dahil sa kahilingan ng pamahalaan upang bigyang daan ang pagsasagawa ng sariling imbestigasyon sa mga anomalya at kawalan ng due process sa war on drugs killings.

Sa pagtataya ng pamahalaan aabot lamang sa mahigit 6-na libo ang nasawi sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyon na taliwas sa datos ng mga human rights groups na aabot sa mahigit 30-libong indibidwal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 24,769 total views

 24,769 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 33,437 total views

 33,437 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 41,617 total views

 41,617 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 37,357 total views

 37,357 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 49,407 total views

 49,407 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 2,451 total views

 2,451 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 3,268 total views

 3,268 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top