Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Krisis sa Pilipinas, dulot ng paghihiwalay ng loob sa katotohanan

SHARE THE TRUTH

 250 total views

Ang krisis ng bansa ay dahil sa pagkakahiwalay ng loob sa katotohanan.

Ito ang mensahe ni Fr. Albert Alejo SJ sa kaniyang pagninilay sa temang Kapwa and Loob: The Filipino Concept of Communion and Solidarity, sa pagpapatuloy ng 3-day 4th Philippine Conference on New Evangelization na isinasagawa sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas simula July 28-30.

Ayon kay Fr. Alejo, hindi dapat inihihiwalay ang kalooban sa kapwa maging ano man ito sa lipunan dahil ang lahat ay may damdamin na nangangailangan ng pagtanggap at pag-unawa.

Giit ng pari, dapat ating makita sa bawat isa ang ugnayan, bilang iisang mga nilalang na matatagpuan sa ating kalooban.

“Palalilimin po natin ang ating kalooban sa mga tao. Dahil ang lahat ay maaring magbago,” ayon kay Fr. Alejo.

Iniugnay din ng pari ang mga pangyayari hinggil sa mga ulat na pagpaslang sa mga taong pinaghihinalaang may kaugnayan sa illegal na droga.

Hinikayat din ng pari ang bawat isa para sa paglilinis ng kalooban at makilala ang katotohanan dahil na rin sa pagkalat ng mga false news at paglikha ng fake news lalu na sa social media.

Paliwanag ng pari, dapat bigyang pagpapahalaga ang salita at wika dahil ito ang tulay sa pakikipag-ugnayan.

“Ang tunay na pagpapahalaga ng loob ay mula sa totoo at tamang paggamit ng salita. Hindi pwedeng idevelop ang ispiritwalidad at kapwa kung balasubas tayo sa paggamit ng salita,” ayon kay Fr. Alejo

Hangad din ni Fr. Alejo ang pagkakaron ng pambansang paghingi ng patawad, pagbabagong loob para sa lahat ng nakagawa ng pananakit ng loob sa kaniyang kapwa.

Si Fr. Alejo ay author at theologian mula sa Loyola School of Theology, Ateneo de Manila University.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,844 total views

 8,844 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,944 total views

 16,944 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,911 total views

 34,911 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,241 total views

 64,241 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,818 total views

 84,818 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 29,795 total views

 29,795 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top