Maging corruption free para labanan ang kahirapan – obispo

SHARE THE TRUTH

 340 total views

Hiniling sa bagong administrasyon ni Tuguegarao Archbishop Sergio Utleg na itigil na ang umiiral na korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno na nagpapalala pa ng kagutuman ng maraming Pilipino.

Ayon kay Archbishop Utleg, kung walang korapsyon makapagbibigay sana ng sapat na puhunan at maliit na interes ang pamahalaan sa mga magsasaka na nagugutom sa bansa, matutugunan rin ang proyekto na ilang taon ng nakabinbin upang wala ng magugutom.

Nanawagan rin ang obispo sa mga bagong opisyal ng bansa na maging tapat sa kanilang pagsisilbi sa bayan sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko.

“Bigyan ng i–credit ang mga tao para kahit mahirap ka pwede kang mapahirapan ng hindi mataas na interes. Tapos yung pagbibigay rin ng input at siyempre bigyan ng trabaho ang mga tao para makabili sila ng pagkain. ‘Yung korapsyon dahil sa korapsyon masama ang daan, walang irigasyon, hindi malusog ang mga tao. ‘Yun ang mga dahilan kung bakit naghihirap ang mga tao,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Utleg sa panayam ng Veritas Patrol.

Nagpapatuloy naman ang Caritas Manila sa pagtulong sa nasa 1,000 maliliit na negosyante sa mga Urban Poor communities programa nitong Caritras Margins na nagpapa – angat sa dignidad ng mga manggagawa at lumilikha ng dekalidad na produkto.

Nabatid na naitala noong 2015 ng Social Weather Stations na 2.8 milyon o 12.7 percent ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom sa second quarter ng taong ito.

Nauna na ring binanggit ni Caritas Internationalis president Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang talumpati sa United Nations Food and Agriculture Organizations sa Roma na 1.3 bilyong toneladang pagkain ang nasasayang kada taon na maaring magpakain ng 900 milyong tao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,539 total views

 9,539 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 24,183 total views

 24,183 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,485 total views

 38,485 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 55,246 total views

 55,246 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,644 total views

 101,644 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 35,148 total views

 35,148 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 112,327 total views

 112,327 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top