Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, binalaan sa mga manloloko na ginagamit ang Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

 438 total views

.
May 4, 2020, 2:16PM

Nagbabala ang pamunuan ng Radio Veritas 846 sa mamamayan kaugnay sa paggamit ng mga manloloko sa himpilan upang makapangalap ng pondo at donasyon.

Pinag-iingat ni Reverend Father Roy Bellen, Vice President for Operations ng Veritas 846 ang mga Kapanalig kasabay ng paalala na ugaliing kumpirmahin kung lehetimo ang mga hinihinging donasyon.

“Nais kong ipaalala sa ating mga Kapanalig na mag-ingat po tayo; mas maganda ma-confirm kung saan po galing ang balita, yung panawagan o request; kung ito ba talaga ay galing sa simbahan,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radio Veritas.

Ang paalala ay kaugnay sa kumakalat na impormasyong ginagamit ang Radio Veritas sa pangangalap ng donasyon.

Ayon kay Fr. Bellen, nakalulungkot na sa gitna ng krisis na kinakaharap ng lipunan dulot ng pandemic corona virus disease ay may mga taong sinasamantala ang pagkakataon para sa pansariling interes.

Bukod sa Radio Veritas, ginamit din ang pangalan ng Caritas Manila, mga diyosesis at maging ang mga lingkod ng simbahang katolika.

Dahil dito hinimok ni Fr. Bellen ang mamamayan na tiyaking lehetimo ang mga social media accounts na ginagamit sa pangangalap ng donasyon at kumpirmahin sa mismong tanggapan upang makaiwas sa panloloko.

“Mas maganda na we are always aware sa mga main platforms, mga official accounts ng Veritas, Caritas at mga Diocese; nang sa gayon we are aware na official ang mga panawagan,” ani ni Fr. Bellen.

Matatandaang maraming beses nang biktima ang mga kilalang personalidad at lider ng simbahan na ginagamit sa pangangalap ng donasyon tulad nina Cardinal Luis Antonio Tagle, Cardinal Orlando Quevedo, Archbishop Jose Palma at iba pa.

Para sa mga humihingi ng tulong at donasyon maaring makipag-ugnayan sa Radio Veritas 846 na makikipag-koordinasyon sa Caritas Manila at sa mga Social Action Centers ng bawat Diyosesis sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,504 total views

 42,504 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,985 total views

 79,985 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,980 total views

 111,980 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,720 total views

 156,720 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,666 total views

 179,666 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,941 total views

 6,941 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,552 total views

 17,552 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top