Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok ng CBCP na magsagawa ng restitution sa Semana Santa

SHARE THE TRUTH

 1,849 total views

Sinabi ni Bishop Bendico na sa ganitong pagkakataon inaanyayahan ang bawat isa na magkawanggawa at lingapin ang pangangailangan ng kapwa lalo’t higit ang mga naisasantabing sektor ng lipunan.

Pinaalalahanan ng opisyal ang mananampalataya sa pagsasagawa ng ‘restitution’ o pagbabalik sa mga bagay na hindi pag-aari tulad ng ginawa ni Zacchaeus na inilathala sa bibliya.

“It seems that “Restitution” is a forgotten word nowadays. Yet, the Catholic Church still teaches us about restitution: that we are required to make reparation for injustices committed and restore stolen goods to their owner; Let us save our “house”, our life, through restitution” ani Bishop Bendico.

Hamon ng obispo sa mamamayan na magbalik loob sa Diyos at talikdan ang anumang uri ng kasalanan kabilang na ang pagsusugal upang ganap ang pakikiisa sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.

Binigyang diin ni Bishop Bendico na hindi nakabatay ang Panginoon sa pagbabago sa panlabas na anyo kundi higit nitong tinitingnan ang nilalaman ng puso.

Paalala nito na ang mga Mahal na Araw ay hindi panahon ng kasiyahan kundi panahon ng pagninilay kaya’t apela sa mamamayan na bumisita sa pinakamalapit na simbahan kung hindi maiiwasan ang pagbabakasyon lalo na sa tourist destination ng bansa.

Una nang nanawagan ang simbahang katolika sa mamamayan na makiisa sa mga gawain ngayong Semana Santa gayong mas niluluwagan ng pamahalaan ang panuntunan kaugnay sa pandemya.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 15,578 total views

 15,578 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 23,893 total views

 23,893 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 42,625 total views

 42,625 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 58,874 total views

 58,874 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 60,138 total views

 60,138 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 1,888 total views

 1,888 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top