Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Matagumpay na pakikipagpulong ni Cardinal Zuppi kay US President Biden, ibinahagi ng Vatican

SHARE THE TRUTH

 5,419 total views

Ibinahagi ng Holy See ang matagumpay ma pagbisita ni Cardinal Matteo Zuppi sa Amerika kamakailan.

Sa pahayag ng Vatican nakipagpulong ang kinatawan ni Pope Francis kay US President Joseph Biden at tinalakay ang mga gagawing hakbang upang mawakasan ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Iniabot din cardinal ang liham ng santo papa para sa pangulo ng Estados Unidos kung saan inihayag ang labis na kalungkutang bunsod ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Sinabi rin ni Cardinal Zuppi na handa ang US sa pakikipagtulungan sa anumang hakbang na gagawin upang magkaroon ng kaayusan ang lipunan at makamtan ang tunay na kapayapaan.

“During the meeting, the full willingness to support initiatives in the humanitarian field, especially for children and the most fragile people, was assured, both to respond to this urgency and to foster paths of peace,” bahagi ng pahayag ng Vatican.

Inatasan ni Pope Francis si Cardinal Zuppi na makipag-ugnayan sa mga bansa tungo sa pag-uusap ng Russia at Ukraine upang tuluyang mawakasan ang mahigit isang taong digmaan sa lugar.

Ayon sa Office of the UN High Commissioner for Human Rights halos sampung libong sibilyan na ang nasawi habang 16-libo ang nasugatan mula nang sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa habang tinatayang mahigit sa 200-libong sundalo rin ang nasawi sa giyera.

Una nang nagtungo si Cardinal Zuppi sa Ukraine noong Mayo habang nakipagpulong din sa ilang opisyal ng Russia noong Hunyo kung saan tinalakay ang mga gagawin para mahinto ang kaguluhan.

Ipinagkatiwala ng santo papa sa cardinal ang pagiging special envoy for peace lalo’t isa si Cardinal Zuppi sa mga opisyal ng Community of Sant’Egidio sa Roma na namagitan upang mahinto ang 17 taong civil war sa Mozambique noong 1992.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,385 total views

 28,385 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,485 total views

 36,485 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,452 total views

 54,452 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,487 total views

 83,487 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,064 total views

 104,064 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,286 total views

 5,286 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,893 total views

 10,893 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,048 total views

 16,048 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top