13,648 total views
Pinaiigting ng grupo ng mamumuhunan ang pagtulong sa coconut at coffee industry ng bansa.
Ito ay kasunod ng pagpapalawak ng distribusyon ng Kaffea at Chocolea sa Amerika upang maabot ang mga Pilipino sa ibayong dagat.
Ito ang paraan ng Starkaffea Corporation para tulungan ang mga magsasaka lalo sa Mindanao na mapataas ang kanilang kita.
Pangunahing sangkap ng choco drinks ang kape mula sa Mindanao gayundin ang asukal mula sa niyog bilang pampatamis na makatutulong sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.
Layunin din ng korporasyon na mapaigting ang pangangalaga sa kalusugan ng bawat Pilipino lalo na ang mga naninirahan sa ibayong dagat na nagsusumikap maghanapbuhay para sa naiwang pamilya sa Pilipinas kaya’t mahalagang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.
Sa datos ng pamahalaan mahigit sa 60-libong metriko tonelada ang produksyon ng kape sa bansa mula sa 113-libong ektaryang taniman kung saan malaki rin ang naitutulong sa pangkabuuang ekonomiya ng bansa.
Ayon naman sa Philippine Coconut Industry kumita ng 91-bilyong piso ang sektor ng magniniyog sa pagitan ng 2014 hanggang 2018 kung saan nasa 3.6 na milyong ektarya ang tinataniman ng niyog sa 69 na lalawigan sa bansa.
347 milyon ang fruit-bearing trees na kayang mag-produce ng 14.8 million metric tons ng kopra habang ang iba ay ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang sangkap tulad ng asukal na ginagamit pampatamis sa Kaffea at Chocolea.
Nangunguna ang Davao, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao sa mga rehiyon sa bansa na coconut producing regions.