Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga simbahan sa Archdiocese of Tuguegarao, magsisilbing evacuation centers

SHARE THE TRUTH

 252 total views

Bukas ang mga Simbahan ng Archdiocese of Tuguegarao para magsilbing evacuation centers ng mga magsisilikas na residente dahil sa posibleng epekto ng bagyong Lawin.

Ito ang inihayag ni Father Augustus Calubaquib, Social Action Director ng nasabing Arkidiyosesis matapos na makipag-ugnayan sa kanila ang provincial government ng Cagayan upang magamit ang mga parokya bilang evacuation center.

Sinabi ni Father Calubaquib na bukas ang simbahan sa mga parokya para sa mga tao ngunit kailangan ding isaalang-alang ang kaligtasan at katatagan ng establisimento mula sa lakas ng hagupit ng bagyo.

“Medyo maulan na po dito sa kinaroroonan namin, naghahanda na po ang provincial government at nagpaalam sila na gawing evacuation center ang mga Simbahan,” mensahe ni Fr. Calubaquib sa Damay Kapanalig.

Naghahanda na rin ang Diocese of Laoag sa Ilocos Norte sa posibleng pagdaan sa kanila ng mata ng bagyong Lawin.

Sa mensahe ng Social Action Center coordinator ng Diocese of Laoag na si Frankie Bitagon, sinabi nitong naka-antabay na sila bago pa man dumaan ang bagyong Karen ngunit kailangan mas paigtingin ito dahil sa inaasahang mas malakas na epekto ng bagyong Lawin.

“Yesterday in the priest assembly they were [Priests] reminded to be prepared for Lawin in their parishes.”pahayag ni Bitagon sa Radio Veritas.

Naunang umaapela ng dasal ang mga Diyosesis sa Hilagang Luzon dahil sa inaasahang paghagupit ni Bagyong Lawin.

Magugunitang ang Pilipinas ay nakakaranas ng hindi bababa sa 20 bagyo kada taon at ang bagyong Lawin ang maituturing na isa sa pinakalamakas na pumasok sa Philippine Area of ‘Responsiblity ngayong taong 2016.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 4,935 total views

 4,935 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,522 total views

 21,522 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 22,891 total views

 22,891 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,573 total views

 30,573 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,077 total views

 36,077 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 20,185 total views

 20,185 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Sorsogon, umaapela ng tulong

 18,112 total views

 18,112 total views Kumikilos na para makatulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan ang Social Action Center ng Diocese of Sorsogon. Batay sa monitoring

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top