Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Muling pagkabuhay ni Hesus, ipalaganap sa buong pamayanan

SHARE THE TRUTH

 8,738 total views

Hinimok ni Franciscan Capuchin Fr. Troy De Los Santos ng St. Joseph Cathedral sa Abu Dhabi United Arab Emirates ang mananampalataya na ipalaganap sa buong pamayanan ang biyaya ng muling pagkabuhay ni Hesus.

Sinabi ng pari na dapat hindi manatili sa mga simbahan ang diwa ng muling pagkabuhay ng Panginoon kundi dapat maramdaman sa buong pamayanan.

“Nawa’y ang pagdiriwang na ito ay maging daan upang muling manumbalik ang ating pananampalataya, pagtitiwala, at pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Huwag nating hayaang manatili lamang ang Pasko ng Pagkabuhay sa loob ng simbahan—dalhin natin ito sa ating mga tahanan, sa ating trabaho, at sa bawat araw ng ating buhay,” bahagi ng mensahe ni Fr. De Los Santos.

Binigyang diin ni Fr. De Los Santos na ang muling pagkabuhay ni Hesus ay paalala na sa kabila ng lahat ng pinagdadaaanang mga pagsubok, sakit, at kawalang katiyakan ay may bagong simula at pag-asang hatid ni Hesus sa sanlibutan.

Iginiit ng pari na ang tagumpay ni Hesus ay paalala na sa gitna ng kadiliman ay tumatanglaw ang liwanag na hatid ni Hesus sa sanlibutan at sa bawat pagsubok ay may kaakibat na pagtatagumpay.
Ibinahagi ni Fr. De Los Santos sa mga Filipino migrants lalo sa Middle East na ang mahalagang pagdiriwang ng pananampalatayang kristiyano ay paanyayang magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga karanasan.

“Ngayong Year of Hope, ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang paalala na sa kabila ng lahat ng ating pinagdaanan—mga pagsubok, sakit, at kawalan ng katiyakan—may bagong simula,” ani ng pari.
Libu-libong mga Pilipino sa UAE ang dumalo sa pagdiriwang kabilang na si Ambassador Alfonso Ver.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 1,270 total views

 1,270 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 21,998 total views

 21,998 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 30,313 total views

 30,313 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 49,017 total views

 49,017 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 65,168 total views

 65,168 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 2,532 total views

 2,532 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top