Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Muling pagkabuhay ni Hesus, isang pangako para sa kaligtasan ng sangnilikha

SHARE THE TRUTH

 10,324 total views

Nilinaw ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus ay hindi lamang isang yugto ng kasaysayan kundi ito ay pangako ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Ayon kay Bishop Santos ito rin ay paanyaya sa bawat isa ng pagbabagong buhay na puno ng pag-asang hatid ni Hesus na
muling nabuhay.

“Easter is not just a moment in our history— it is a promise of new beginnings and a future filled with hope and change. Trust in this promise and let it guide every step of your journey. It is a call to live a renewed life every day,” mensahe ni Bishop Santos.

Sinabi ng obispo na kasabay ng mahalagang pagdiriwang sa buhay ni Hesus ang paanyaya sa mananampalataya na bumangon at magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga suliraning kinakaharap habang naglalakbay sa mundo at tingnan ang liwanag na dala ni Hesus sa sanlibutan.

Kasabay ng pagbangon at pagpapatuloy ang pangakong ituon ang puso at sundin si Hesus upang magkaroon ng malinaw na landas na tatahakin tungo sa pagtatagumpay.Bukod pa rito ang paghahasik ng pag-ibig, kabutihan at paglilingkod sa kapwa ayon sa kalooban ng Diyos sapagkat ito ang mga malinaw na tanda ng pagsunod at pakikiisa sa misyon ni Hesus.

“Rise Up by facing challenges with hope and determination, knowing that every setback is an opportunity for a new beginning. Commit ourselves daily to living a life that reflects God’s love, choosing to trust and follow wherever His path might lead. And Sow kindness in every interaction, understanding that even small acts can sow the seeds of lasting change,” ani ng obispo.

Aniya nawa’y sa muling pagkabuhay ni Hesus muling mag-alab ang nananamlay na pananampalataya bunsod ng iba’t ibang hamon at tukso sa pamayanan at tulad ng pagkabuhay ni Hesus ay mas maging buhay na saksi ang bawat isa sa kadakilaang
hatid ng Diyos sa sangkatauhan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 6,370 total views

 6,370 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 27,098 total views

 27,098 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 35,413 total views

 35,413 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 54,069 total views

 54,069 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 70,220 total views

 70,220 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 3,061 total views

 3,061 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top