Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Offshore holding, ginagamit sa korapsyon ng mga political clan

SHARE THE TRUTH

 280 total views

Ito ang naging pahayag ni IBON Foundation executive director Sonny Africa matapos lumabas sa imbestigasyon ng International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ) noong April 3, 2016 na napapabilang sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos at ang kanyang tatlong anak, maging si Senator Joseph Victor “JV” G. Ejercito.

Paliwanag ni Africa na hindi maikakaila ang layunin ng mga pulitiko na magpayaman sa pamamagitan ng legal na offshore accounts gamit ang mga nakaw na salapi.

“Kahit na po technically walang illegal dun sa paggamit sa offshore holdings, mas problema dito yung motibasyon nila sa paggamit ng offshore accounts. Lalo sa usapin ng Marcos Family na napatunayan na napakaraming nakuha dun sa kaban ng taumbayan at maging dun sa corruption cases laban sa Ejercito – Estrada Family mukhang pwede natin sabihin na ginagamit nila bigay ng pamahalaan na offshore account para itago ang kanilang mga iligal na kinita sa mahabang panahon habang nasa poder,” pahayag ni Africa sa panayam ng Veritas Patrol.

Insultong maituturing ni Africa na gamitin ng kilalang mga anak ng dating corrupt presidents ang mga pera na ninakaw ng kanilang mga ama at pinagkakakitaan gamit ang mga offshore accounts.

“Sa tingin namin napaka–kwestiyunable ‘yung ganun kalaking tinatagong kaperahan ng dalawang pamilyang yan na ginagamit yung bagamat legal ‘yung offshore account pero ‘yun nga po pera ‘yan nakuha sa iligal na paraan,” giit pa ni Africa sa Radyo Veritas.

Sa datos ng ICIJ database, tinatayang 572 mga mayayaman na pulitiko ang ilan sa mga kliyente ng mga offshore holdings.

Nauna na ring ipinalala ni Pope Francis na iwasan ang pagtanggap ng donasyon mula sa maruming pera na nanggaling sa korapsyon at katiwaliaan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,255 total views

 69,255 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,030 total views

 77,030 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,210 total views

 85,210 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 100,828 total views

 100,828 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 104,771 total views

 104,771 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 14,254 total views

 14,254 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 97,770 total views

 97,770 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,548 total views

 89,548 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top