Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-alis sa appointing power ng Pangulo sa independent constitutional commission, iminungkahi

SHARE THE TRUTH

 30,648 total views

Pagtatanggal sa kapangyarihan ng Pangulo na magtalaga ng mga opisyal sa independent institutions sa pamahalaan ang isa sa nakikitang solusyon ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan o ANIM Coalition na nagsusulong at tutumutol sa pag-iral ng political dynasty, korapsyon at katiwalian sa pamahalaan.

Ayon kay ANIM Lead Lawyer Attorney Alex Lacson sa panayam ng programang Barangay Simbayanan, bunsod ng naging pag-aaral sa sistema at kalakaran sa gobyerno ay nanindigan na dapat nang tanggalin sa 1987 Philippine Constitution ang kapangyarihan ng punong ehekutibo na magtalaga ng mga mamumuno sa Commission on Audit, Commission on Elections at Office of the Ombudsman.

Iginiit ng ANIM Coalition na ang itatalaga sa Ombudsman ay walang pagkiling sa Presidente o sa partido ng pangulo upang tuwirang magampanan ang tungkulin na imbestigahan ang mga sinasabing pulitiko o opisyal ng pamahalaan na idinadawit sa kaso ng korapsyon.

“‘Yung president kapag nag-appoint ng Ombudsman, oftentimes the Ombudsman becomes more beholded than to the Filipino people. Kung ang pulitiko na may kaso ng korapsyon ay kaibigan, ka-alyado, ka-partido ng presidente, ano po ang nangyayari? Nagiging bulag na ang Ombudsman, hindi na sinasampahan ng corruption cases ‘yung mga kaibigan ng presidente na nag-appoint sa kanya,” ayon kay Lacson.

Gayundin para sa COA na mandato naman ang pag-audit o pagtala ng paggastos ng iba’t-ibang ahensya o tanggapan ng pamahalaan, maging ang mga opisyal na hindi dapat itinatalaga ng pangulo upang maging transparent sa proseso ng auditing sa pondo ng taumbayan.

“Ang nangyayari po ‘yung chairman o members ng COA, kapag in-appoint na sila ng presidente ay katulad sa Ombudsman… hindi naa-audit ‘yung government offices and public officials on how they spent the public funds allotted to them,” dagdag pa ni Atty. Lacson sa panayam ng programang Barangay Simbayanan.

Hindi rin dapat italaga ng pangulo ang mga pinuno ng COMELEC upang maiwasan ang ‘abuse of power’ at upang magampanan ang mandato ng kumisyon na tiyakin ang malinis at matapat na halalan.

Ani Lacson, dahil sa ganitong pagtatalaga ng pangulo na nagiging daan ng katiwalian sa gobyerno na dapat nang isantabi, gayundin ang usapin ng political dynasty.

“That’s why ang nangyayari ‘yung mga corrupt na public officials, na mga pulitiko, kung sino ang pinaka-popular na candidate for President ay doon na sila magda-dagsaan. Kasi kapag nanalo ang sinuportahan nilang presidential candidate ay may blanket protection sila. Hindi sila basta-basta ma-prosecute dahil supporters sila ng presidente. That’s why maraming dynasties;,” ayon pa kay Lacson.

Una na ring ipinapanawagan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Office on Stewardship, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga botante na iwasan ang pagboto sa mga pulitikong kasapi ng political dynasty upang maiwasan ang pagyurak sa kabuuang proseso ng halalan at sa pag-iral ng demokrasya sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 9,832 total views

 9,832 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 30,560 total views

 30,560 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 38,875 total views

 38,875 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 57,471 total views

 57,471 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 73,622 total views

 73,622 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 18,376 total views

 18,376 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 100,983 total views

 100,983 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 91,165 total views

 91,165 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top