Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PAG-IBIG, pinalawig ang serbisyo sa OFWs

SHARE THE TRUTH

 419 total views

Pinalawig ng Pag-IBIG Fund ang paglilingkod sa mamamayan lalo na sa mga Overseas Filipino Workers.

Inilunsad ng institusyon ang Pag-IBIG Virtual Office nitong July 23, 2021 na layong higit na maabot ang mga kasaping nasa ibayong dagat lalo’t umiiral pa rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang restrictions dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario ito ay bahagi ng pagpapaigting sa serbisyo publiko alinsunod sa alituntunin ng administrasyong Duterte.

“With the Pag-IBIG Virtual Offices, our online service platform will provide service that transcends distance and time zones. Distance will no longer be a hindrance to service our OFWs. This is aligned with President Rodrigo Roa Duterte’s call to make government service responsive to the needs of the public by harnessing technology,” bahagi ng pahayag ni Del Rosario.

Buong galak ding ibinahagi ni Pag-IBIG Fund CEO Acmad Moti na bukas 24/7 ang virtual office ng institusyon kaya’t mas mabilis ang access ng mga OFW sa panahong may kailangan itong isangguni sa tanggapan.

Makikinabang sa nasabing programa ang mga Filipinong nasa North America (United States and Canada), United Kingdom & Ireland, United Arab Emirates, Kuwait, at Singapore.

Sinabi pa ni Moti na ito ay pagpapalawak ng serbisyo gamit ang makabagong teknolohiya para sa mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng Pag-IBIG Fund members.

“We know that our overseas Filipino workers deserve the best service from us. By harnessing technology and offering our services online, we are glad that we can give them the same type of service that our members here in the Philippines receive. And that is ‘tapat na serbisyo, mula sa puso,” giit ni Moti.

Nagtalaga ng mga kawani ang institusyon para pangasiwaan ang virtual office kung saan dumaan ito sa mga pagsasanay para sa epektibong pamamahala.

Una nang hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat lider ng mga bansa na magkaisang tugunan ang pangkaraniwang pangangailangan ng mamamayan at gamitin sa wastong pamamaraan ang teknolohiya sa kapakinabangan ng bawat indibidwal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 7,532 total views

 7,532 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 15,632 total views

 15,632 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 33,599 total views

 33,599 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 62,944 total views

 62,944 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 83,521 total views

 83,521 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,281 total views

 3,281 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 8,891 total views

 8,891 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,046 total views

 14,046 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top