Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakataon na makapag-aral sa EUROPA, inaalok ng EU

SHARE THE TRUTH

 22,692 total views

Tiniyak ng European Union ang pagpapaigting sa mga programang makatutulong sa mga Pilipino tulad ng edukasyon.

Umaasa si Dr. Ana Isabel Sánchez-Ruiz, Deputy Head of Delegation ng European Union Delegation to the Philippines na mas maraming Pilipino lalo na ang mga kabataan na makinabang sa Erasmus Mundus na isang programa ng EU.

“The idea of Erasmus is to allow everyone who has an interest to be able to study to pursue their dreams, I hope Filipinos explore Erasmus because we are trying to get more Filipino applicants,” pahayag ni Ruiz sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng EU official na suportado ng EU ang lahat ng gastusin ng mga kwalipikadong estudyante upang matiyak na matustusan ang mga pangangailangan habang nag-aaral.

Muling inaanyayahan ni Ruiz ang mga academicians, estudyante, at mga mananaliksik sa isasagawang European Higher Education Fair (EHEF) 2024 na layong itaguyod ang student mobility at pagpapaigting ng academic excellence.

Isasagawa ito sa November 22 at 23 sa Robinsons Galleria, Ortigas habang ang online session naman sa pamamagitan ng Zoom sa November 25.

Layunin ng EHEF na magkaroon ng direktang ugnayan ang mga Pilipinong nagnanais makapag-aral sa nangngunang unibersidad sa Europa para sa mas malawak na oportunidad.

Sinabi ni EU Ambassador Massimo Santoro na ito ang isa sa mga paraan ng pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at EU member states.

“The European Higher Education Fair reflects the EU’s commitment to providing an immersive platform to explore a diverse array of opportunities, resources, and insights for Filipino students interested in pursuing their higher education in the European Union,” ani Santoro.

Tampok sa EHEF ngayong taon ang 77 higher education institutions at diplomatic missions mula sa mga bansang Belgium, The Czech Republic, Denmark, Spain, France, Germany, Ireland, Italy, Hungary, The Netherlands, Austria, Poland, Finland, Sweden at g European Union.

Katuwang ng EU sa pagsasagawa ng taunang EHEF ang EU Member States Embassies, educations institutions sa bansa at ang Commission on Higher Education.

Kabilang naman sa Regional Hubs ng 2024 EHEF ang University of Santo Tomas (Metro Manila), Wesleyan University (Luzon), and Xavier University – Ateneo de Cagayan (Mindanao); and University Partners Ateneo de Manila University – European Studies Programme, De La Salle University, Enderun College, Holy Cross of Davao College, Lyceum Philippines University – Cavite, Mabalacat City College at World Citi College.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,579 total views

 11,579 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,679 total views

 19,679 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,646 total views

 37,646 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,942 total views

 66,942 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,519 total views

 87,519 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,679 total views

 3,679 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,287 total views

 9,287 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,442 total views

 14,442 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top