Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalangin, hiling ng bagong Obispo ng Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro

SHARE THE TRUTH

 3,925 total views

Umaasa si San Jose Occidental Mindoro Bishop Pablito Tagura na lumago sa kabanalan at bilang kristiyanong pamayanan ang bikaryato sa kanyang pamumuno.

Ito ang inihayag ng obispo sa kanyang ordinasyon nitong February 17, 2023 na ginanap sa Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word na pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle ng Dicastery for Evangelization ng Vatican.

Hiling ni Bishop Tagura sa mananampalataya ang panalangin sa ikatatagumpay ng kanyang pamumuno bilang pastol sa halos kalahating milyong katoliko ng bikaryato.

“Please pray for me and with me that as I, journey in faith with the laity and the clergy of San Jose Occidental Mindoro, we may grow together in love as missionary disciples of the Lord,” bahagi ng pahayag ni Bishop Tagura.
Sinabi ng obispo na bagamat malaking tungkulin ang iniatang sa kanya ng simbahan ay sisikapin nitong gampanan ang gawain sa tulong at gabay ni Hesus ang Mabuting Pastol.

Disyembre 2022 nang hirangin ng Santo Papa Francisco si Bishop Tagura bilang ikatlong obispo ng Apostolic Vicariate of San Jose makaraan ang halos limang taong sede vacante nang magretiro si Bishop Antonio Palang noong 2018 dahil sa karamdaman.

“I hope and pray that I am worthy for the trust and confidence of the Holy Father Pope Francis in appointing me as bishop” ani Bishop Tagura.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Cardinal Tagle mensahe nito sa bagong obispo na maging mabuting pastol sa kawang pamumunuan habang tiniyak ang patuloy na panalangin.

“Be a good shepherd to the people entrusted to your care, as I am praying for your new mission,” mensahe ni Cardinal Tagle.

Katuwang ni Cardinal Tagle sa ordinasyon ni Bishop Tagura sina Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at Lipa Archbishop Gilbert Garcera.

Dumalo rin sa pagtitipon ang ilang obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pangunguna ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 23,948 total views

 23,948 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 32,616 total views

 32,616 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 40,796 total views

 40,796 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 36,565 total views

 36,565 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 48,615 total views

 48,615 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 6,494 total views

 6,494 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 12,101 total views

 12,101 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 17,256 total views

 17,256 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top