238 total views
‘Irespeto ang dignidad ng mga kababaihang manggagawa.’
Ito ang naging pahayag ni Diocese of Malaybalay, Bukidnon Bishop Jose Cabantan matapos na ipinanawagan ng kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang prayer video intention ngayong Mayo na alisin na ang diskriminasyon sa kababaihan.
Ayon kay Bishop Cabantan, kinakailangan na palakasin ng Simbahan ang adbokasiya nito na mapangalagaan ang mga kababaihan laban sa human trafficking at iba’t iba pang uri paglabag sa karapatan ng kababaihan lalo na sa usapin ng paggawa.
Hinimok din nito ang mga social workers sa parokya na mas lalong paigtingin ang pagsubaybay sa mga mahihirap na inosenteng kababaihan sa kabundukan.
“Meron naman tayong paninindigan on the dignity of women of St. John Paul II na nirerespeto natin. Dapat the Church should always advocate the respect for the dignity of women in our church, in our workplace, and wherever. Sa ating women’s commission palaging suportahan siguro yung women’s commission sa mga dioceses sa adbokasiya for women for their respect for the dignity especially yung palaging victims sa human trafficking, galing sa mga maliliit na parokya sa mga bundok yung mga poor places. Yan ang isang advocacy na maprotektahan ang mga kababaihan natin,” bahagi ng pahayag ni Bishop Cabantan sa panayam ng Veritas Patrol.
Sa datos ng United Nations Office on Drugs and Crime tinatayang 79 na porsyento ng mga biktima ng human trafficking ay sexual exploitation na karamihan ay mga kababaihan.