Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panukalang lockdown ng NCR, tinawag na impractical ng Obispo.

SHARE THE TRUTH

 297 total views

Panukalang lockdown ng NCR, tinawag na impractical ng Obispo.

Hindi sang-ayon ang Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila sa mungkahing pansamantalang magpatupad ng lock down sa National Capital Region o N-C-R para maiwasang kumalat ang COVID-19.

Sinabi ni Bishop Pabillo na maaring isa itong epektibong paraan na masupil ang pagkalat ng virus subalit ang hakbang ay impractical o hindi naakma sa mga ordinaryong Filipino.

“Pero sa ordinaryong mga tao, paano sila magsu-survive?,”pahayag ni Bishop Pabillo sa programang Pastoral visit on air ng Radio Veritas

Ipinaliwanag ng Obispo na malaking bahagi ng mga manggagawang Filipino na kumikita ng arawan, at umaasa lamang sa kanilang buwanang suweldo ay nasa N-C-R.

“Maganda ang suggestion pero mukhang impractical. Maraming mga tao dito ay survived day-to-day sa pagtinda-tinda. Kapag i-lock down mo yan paano sila kakain,” ayon pa sa obispo.
Unang iminungkahi ng isang mambabatas ang papapatupad ng isang linggong lock down sa Metro Manila dulot ng biglang pagtaas ng bilang ng nagpositibo sa corona virus disease na higit na sa 30 katao.

Kabilang sa mungkahi ang suspensyon sa klase, trabaho, pagsasara ng north at south luzon expressway gayundin sa domestic flights.

Tiniyak naman ng simbahan ang pagsunod at pakikipagtulungan sa panuntunan ng pamahalaan bilang tugon na masupil ang pagkalat ng sakit.

Una na ring naglabas ng pastoral letter si Bishop Pabillo para sa mananampalataya ng Archdiocese of Manila at circular ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang mga karagdagang panuntunan sa pag-iwas sa nakahahawang sakit.

Read: https://www.veritas846.ph/cbcp-circular-on-public-health-emergency-due-to-covid-19
https://www.veritas846.ph/christ-covid19-and-our-faith
https://www.veritas846.ph/maging-mahinahon/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,605 total views

 28,605 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,705 total views

 36,705 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,672 total views

 54,672 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,705 total views

 83,705 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,282 total views

 104,282 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top