Pope Francis, nagpaabot ng pagbati at pagbabasbas sa mga delegado ng PCNE4

SHARE THE TRUTH

 335 total views

Itinakda ang susunod na 3-day Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE5) sa July 20-22 ng susunod na taon.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng PCNE sa katatapos na conference na ginanap sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas.

Ang pagtitipon ay nagtapos sa pamamagitan ng misang pinangunahan ni Most Reverend Salvatore Rino Fisichella, President ng Pontifical Council on New Evangelization.

Ipinaabot din ni Archbishop Fisichella ang pagbagti at pagbabasbas ng kanyang Kabanalan Francisco sa mga dumalo sa PCNE4.

“Please extend my greetings and blessings to the delegates. Tell them to please always pray for me,” ayon pa kay Arcbishop Fisichella na habilin ni Pope Francis.

Umaabot sa 6,150 ang registered attendees ng conference ngayong taon na mas mataas sa nagpatala sa nakalipas na PCNE na umaabot ng 4,000.

Hinikayat naman ni Manila Arcbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga delegado na pagsikapan na maisabuhay ang mga natutunan sa PCNE4 na ang layunin ay maipag-ibayo ang pananampalatayang Kristyano, pakikiisa at pakikipagkapwa tao sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalayata.

“Let us all work and pray for communion of one heart and soul,” habilin pa ni Cardinal Tagle.

Ilan sa mga naging speakers sa PCNE4 ay sina Archbishop Bernardito Auza, Permanent Observer of the Holy See to the United Nation; Cotabato Arcbishop Orlando Cardinal Quevedo; in-coming CBCP Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David; at peace advocate Honey Usman.

Nagbahagi rin ng kanilang karanasan sa pananampalataya ang celebrities na sina Dindong Dantes, Alden Richards at Dimples Romana.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 177 total views

 176 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,539 total views

 25,538 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,167 total views

 36,166 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,189 total views

 57,188 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,894 total views

 75,893 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

50-pesos na wage hike, binatikos

 18,918 total views

 18,918 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top