Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Quiapo church, 24-oras na bukas sa mananampalataya.

SHARE THE TRUTH

 403 total views

March 13, 2020, 4:01PM

Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene na malinis ang buong paligid nito kabilang na ang loob ng Simbahan para sa kaligtasang pangkalusugan ng mananampalataya.

Ayon kay Reverend Father Douglas Badong, ang parochial vicar ng St. John the Baptist Parish o Quiapo Church, ito ay pagtugon upang makaiwas sa posibleng pagkalat ng virus lalo’t natutulog sa loob ng simbahan ang mga walang masisilungan na nasa paligid ng Basilica.

“Nagkaroon ng pag-disinfect sa loob at labas ng simbahan so ang paglilinis ay talagang masusing tinututukan,” pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

Sinabi ng pari na mananatiling bukas ang simbahan 24-oras para sa mga taong nais magdasal at nangangailangan ng kalingang espiritwal ngunit mahigpit ipapatupad ang ibayong pag-iingat.

Hinimok ni Fr. Badong ang mga may karamdaman at senior citizen na kung maari ay huwag munang magtungo sa Quiapo Church sa halip ay tumutok na lamang sa isasagawang livestreaming ng mga misa sa facebook page ng simbahan upang makaiwas sa banta ng corona virus.

“Bukas pa rin 24/7 ang simbahan pero siyempre dobe at ibayong pag-iingat ang i-implement dito sa Quiapo church,” saad ng pari.

Bilang bahagi rin ng pag-iingat pansamantalang isinara ng pamunuan ng Basilica ang pahalik sa mga imahe ng santo.

Mungkahi naman ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa pamunuan ng Quiapo na pansamantalang isapribado ang pagsasagawa ng misa ng simbahan upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao batay na rin sa panawagan ng pamahalaan sa patnubay ng Department of Health.

Hiling nito sa bawat isa na makipagtulungan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID 19 sa bansa na sa kasalukuyan ay nasa 52 na ang nagpositibo habang lima ang binawian ng buhay dulot ng komplikasyon

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 6,530 total views

 6,530 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 14,630 total views

 14,630 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 32,597 total views

 32,597 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,956 total views

 61,956 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 82,533 total views

 82,533 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,182 total views

 3,182 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 8,792 total views

 8,792 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 13,947 total views

 13,947 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top