Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Seremonya sa installation ni Cebu Archbishop-designate Uy, isinapubliko

SHARE THE TRUTH

 7,781 total views

Pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pormal na pagluluklok kay Archbishop-designate Alberto Uy bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Cebu sa isang banal na misa sa Setyembre 30, 2025, sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Bilang tampok ng pagdiriwang, si Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang magsisilbing homilist sa naturang misa.

Pagdating at Unang Araw (Setyembre 28)
Darating si Archbishop Uy sa Cebu bandang alas kuwatro ng hapon at sasalubungin ng mga mananampalataya sa port ng lungsod. Sa ganap na alas singko ng hapon, isasagawa ang Profession of Faith, Vespers, at Unveiling ng Coat of Arms sa Shrine of San Pedro Calungsod sa Archbishop’s Residence Compound.

Ikalawang Araw (Setyembre 29)
Sa umaga, isang misa ang gaganapin sa St. Joseph Chapel sa alas sais, na susundan ng tree planting activity at feeding program sa Abtanan sa Kalooy. Magkakaroon din ng Veneration sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu.

Pagsapit ng alas 10:45 ng umaga, idaraos ang civic reception kasama ang mga lokal na opisyal ng Cebu City. Sa hapon, magkakaroon ng hiwalay na civic reception na pangungunahan naman ng mga opisyal ng Lalawigan ng Cebu.

Ikatlong Araw (Setyembre 30)
Sa ganap na alas nuwebe ng umaga, isasagawa ang banal na misa at ang pormal na rito ng pagluluklok kay Archbishop-designate Uy sa cathedra ng Cebu Metropolitan Cathedral.

Hindi lamang ito isang seremonya ng paglilipat ng tungkulin kundi isang mahalagang yugto para sa buong Simbahang Katolika sa Cebu. Ang Archdiocese of Cebu, na kinikilala bilang isa sa pinakamalaking arkidiyosesis sa bansa na may halos limang milyong mananampalataya, ay may mahalagang papel sa kasaysayan ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Si Archbishop-designate Uy, na ngayon ay hahalili bilang pastol ng arkidiyosesis kay Archbishop Jose Palma ay inaasahang magpapatuloy sa tradisyon ng malakas na pananampalataya at paglilingkod sa sambayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalinga ng Diyos sa lupa

 4,799 total views

 4,799 total views Mga Kapanalig, higit sa pagpapakain at pagbibigay ng lugar para maligo at matulog sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, ang pagbabalik sa

Read More »

Edukasyong pang-kinder

 22,906 total views

 22,906 total views Mga Kapanalig, lumabas sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na maraming estudyanteng Pinoy na nasa grade 3 ay may

Read More »

Kapayapaan sa sangnilikha

 28,328 total views

 28,328 total views Mga Kapanalig, kapayapaan sa sangnilikha! Noong isang linggo, binuksan natin ang “Panahon ng Sangnilikha” (o “Season of Creation”). Ipinagdiriwang ng Simbahan ang panahong

Read More »

ROBS TO RICHES

 88,255 total views

 88,255 total views Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw! Itinatag ng

Read More »

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 103,500 total views

 103,500 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top