Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Special Barangay at SK election sa Marawi city, Naging payapa at maayos

SHARE THE TRUTH

 329 total views

Mapayapa at maayos ang isinagawang special Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Marawi City, Lanao del Sur matapos ipagpaliban ng ilang buwan dahil sa naganap na kaguluhan sa lugar.

Ito ang inihayag ni Atty. Rona Ann V. Caritos, Executive Director – Legal Network For Truthful Elections (LENTE) kaugnay sa katatapos lamang na halalang pambarangay sa syudad noong ika-22 ng Setyembre.

Batay sa monitoring ng LENTE, bagamat naging mapayapa sa pangkabuuan ang halalan ay mayroon paring mga election offenses.

Ayon kay Atty. Caritos kabilang sa mga paglabag ay ang pagkakaloob ng transportasyon ng mga lokal na pulitiko sa mga botante, pamamahagi ng mga campaign paraphernalia malapit sa mismong mga presinto, vote buying, pagboto ng mga watchers para sa mga botante at ang pananatili ng mga kandidato sa mga voting centers.

“The special conduct of the 2018 Marawi Barangay and SK elections was generally peaceful. Unfortunately, such peacefulness did not translate to the integrity of its conduct. On election day, the Legal Network for Truthful Elections (“LENTE”) observed the following election offenses: transportation provided by local politicians, distribution of campaign paraphernalia, vote buying, watchers were the ones voting for voters and presence of candidates in voting centers.” pahayag Caritos.

Gayunpaman, nilinaw ni Atty. Caritos na marami ring mga naipatupad na nakapagpadali at nakatulong upang mas maging maayos ang naturang special election tulad ng crowd control at exclusive lane para sa mga Persons with Disability (PWD), senior citizens at mga nagdadalang tao.

Pinuri rin ng LENTE ang paggabay ng mga election officers sa kung saan boboto ang mga botante.

Matatandang pansamantalang ipinagpaliban ng Commission on Elections ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa lugar noong Mayo dahil sa epekto ng katatapos pa lamang na sagupaan sa syudad.

Batay sa tala may humigit kumulang 50,000 ang bilang ng mga botante sa Marawi City.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 9,447 total views

 9,447 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 23,407 total views

 23,407 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 40,559 total views

 40,559 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 91,012 total views

 91,012 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 106,932 total views

 106,932 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 14,795 total views

 14,795 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 23,101 total views

 23,101 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top