Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sundin ang panuntunan sa mga sementeryo-PNP

SHARE THE TRUTH

 262 total views

Nanawagan ng pakikiisa at pakikipagtulungan ang Philippine National Police para sa mayapa at maayos na paggunita ng Undas sa buong bansa.

Paalala ni PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Dionardo Carlos, marapat lamang sundin ng bawat mamamayan ang lahat ng mga panuntunan partikular na sa mga sementeryo upang maging maayos at makabuluhan ang paggunita ng Undas ng bawat isa.

“pupunta tayo sa sementeryo, sundin po natin ‘yung panuntunan sa mga sementeryo at iwasan po ang pag-inom ng alak, mga matatalim na bagay at ‘yung mga gambling paraphernalia, iwasan na po natin para mas maganda po ‘yung ating commemoration of the Undas…” pahayag ni Carlos.

Dagdag pa ni Carlos, ang Undas ay pag-alala sa mga yumaong indibidwal kaya’t nararapat lamang itong mapayapang ginugunita kasama ang buong pamilya.

“Yes. We keep it solemn, quiet and peaceful ‘yung atin pong pag-alala sa ating mga — ‘yung mga pumanaw na na ating mga kababayan at let us take time to be able to be with our relatives…” dagdag pa ni Carlos.

Tinatayang nasa higit 7-libong mga pulis ang itinalaga ng PNP-NCRPO sa buong Metro Manila upang matiyak ang kaayusan at seguridad ng publiko partikular na sa mga magtutungo sa 99 na mga sementeryo sa buong Metro Manila, kung saan nasa 3-libong mga tauhan rin ang itinalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Samantala, muli ring nanawagan ang Simbahang Katolika na taimtim na panalangin at hindi basura ang kailangan ng mga yumaong indibidwal ngayon panahon ng paggunita sa kanilang mga kaluluwa kaya’t nararapat na panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa mga sementeryong nagsisilbing huling himlayan ng ating mga yumaong mahal sa buhay.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,814 total views

 88,814 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,589 total views

 96,589 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,769 total views

 104,769 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,266 total views

 120,266 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 124,209 total views

 124,209 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 15,980 total views

 15,980 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top