Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Negros Oriental 3rd District, pamamahalaan ni Speaker Romualdez

SHARE THE TRUTH

 2,814 total views

Pansamantalang pamamahalaan ni House Speaker Martin Romualdez ang 3rd Legislative District ng Negros Oriental dahil sa suspensyon ni Representative Arnolfo Teves.

Ito ay sa bisa ng House of Representative Memorandum circular 19-017 na may petsang March 23.

“In the interest of the people of the 3rd District of Negros Oriental, the undersigned shall act as the Legislative Caretaker of the 3rd District of Negros Oriental for the period 23 March 2023 to 22 May 2023. This order takes effect immediately,” ayon sa memorandum order na nilagdaan ni Romualdez.

Ayon sa kautusan, si Romualdez ang magiging care taker sa loob ng 60-araw, kasabay ng bilang ng mga araw na ipinataw na suspensyon kay Teves dahil sa misconduct.

Si Teves na itinuturong may kinalaman sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo-at nabigong bumalik ng bansa sa kabila ng pagpaso ng travel authority.

Ang suspendidong mambabatas ay huling naiulat na nasa Estados Unidos para magpagamot na tumangging bumalik sa bansa dahil sa sinasabing banta sa kanyang buhay.

Karaniwan nang ang liderato ng kamara ang nagtatalaga ng pansamantalang tagapamahala sa mga distritong walang nangangasiwa dulot ng iba’t ibang kadahilan.

Kabilang din sa sinasaklaw ang kapangyarihan sa pagtatalaga sa gabinete, pagsususpinde at pagpapatalsik ng miyembro.

Sa kasalukuyan ay naka-Lenten break ang mga miyembro ng Kamara hanggang sa May 7.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,598 total views

 28,598 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,698 total views

 36,698 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,665 total views

 54,665 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,698 total views

 83,698 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,275 total views

 104,275 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top