Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Muling pagkabuhay ni Hesus, magdudulot ng pagbabago-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 2,408 total views

Inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang muling pagkabuhay ni Hesus ay magdudulot ng pagbabago sa pamayanan at sa sangkatauhan.

Ayon sa arsobispo, ang liwanag na hatid ng Panginoong Hesukristo ang tatanglaw sa patuloy na paglalakbay ng simbahan at mananampalataya.

“Easter will transform RCAM; Easter will transform each one of us and lead us to conversion,” bahagi ng Easter Message ni Cardinal Advincula.

Sinabi ng arsobispo na ito ang panahong nararapat ipagbunyi ng kristiyanong pamayanan na pag-asang hatid ng Panginoon sa bawat isa kung saan ipinakikita ni Hesus ang matagumpay na pagtawid mula sa dilim ng pagpapakasakit at pagkamatay sa krus.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mananampalataya ang pagtitiwala sa kaligtasang dulot ni Kristo upang labanan ang iba’t ibang hamong kinakaharap.

“There would be more compassionate and forgiving relationships, greater energy, boundless creativity, perseverance in mission, resolute courage to face evil and fight oppression, and confidence in times of trial,” ani ng Cardinal.

Bukod dito binigyang diin ng arsobispo na ang muling pagkabuhay ni Hesus ang gagabay sa pagbabagong isasagawa ng Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng Traslacion RCAM Roadmap na ibinalangkas alinsunod sa resulta ng synodal consultations ng arkidiyosesis.

Bilang pagsasabuhay sa ‘Audiam’ motto ng cardinal ay sisikapin nito ang paglago ng sambayanang ipiangkatiwala sa kanyang pangangalaga sa tulong ng Poong Hesus Nazareno na nagtagumapay sa kamatayan na magiging daan sa pagbabago ng lipunan at mamamayan.

“May the Resurrection of Christ open our hearts and minds to the needed reforms and reorganizations in our local Church with eagerness and joy,” giit ni Cardinal Advincula.

Matatandaang kasabay ng Chrism Mass ng arkidiyosesis noong Huwebes Santo ay inilunsad ang Traslacion RCAM Roadmap na layong gabayan ang simbahan sa mga pagbabago sa kapakinabangan ng mahigit tatlong milyong katolikong nasasakupan kugn saan katuwang ni Cardinal Advincula sa pangangasiwa ang mahigit sa tatlong daang mga pari ng arkidiyosesis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,439 total views

 13,439 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 22,107 total views

 22,107 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 30,287 total views

 30,287 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 26,317 total views

 26,317 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 38,368 total views

 38,368 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,492 total views

 5,492 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,099 total views

 11,099 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,254 total views

 16,254 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top