Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya hinimok na makiisa sa LUACOM 2023

SHARE THE TRUTH

 1,740 total views

Hinimok ng Divine Mercy Philippines ang mananampalataya na makiisa sa Luzon Apostolic Congress on Mercy (LUACOM) na isasagawa sa April 20 at 21, 2023.

Ayon kay Divine Mercy National Coordinator at Divine Mercy Apostolate Asia Secretary General Fr. Prospero Tenorio, layunin ng LUACOM na paigtingin ang pagbabahagi sa pamayanan ang habag at awa ng Panginoon tungo sa pagbubuklod ng lipunan.

“Sa pamamagitan ng sama-samang pagninilay na ito (LUACOM) tunay tayong magabayan sa paglapit natin sa Diyos at tayo’y matulungang maisabuhay ang mga aral ng pananampalataya, ng pag-asa at pagmamahal sa ating pamayanan at tunay na maghari ang Diyos ng awa at maranasan ang biyaya ng kapayapaan,” pahayag ni Fr. Tenorio sa panayam ng Radio Veritas.
Isasagawa ang LUACOM 2023 sa BarCIE International Center sa La Consolacion University, Malolos Bulacan.

Tampok sa dalawang araw na pagtitipon ang temang “Divine Mercy in Synodality Communion, Participation and Mission”.

Magbabahagi sa LUACOM 2023 ng mga pagninilay ang mga pari na aktibo sa Divine Mercy Apostolate gayundin ang mga personalidad tulad nina Candy Pangilinan, Charee Pineda, Michael Angelo Lobrin, Divine Fresnido, Ray at Jen Apoderado, Jojie Bian Ilagan at Bulacan Governor Daniel Fernando.

Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang Banal na Eukarsitiya sa unang araw kasama si Malolos Bishop Dennis Villarojo habang si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula naman sa huling araw ng pagtitipon kasama si Balanga Bishop Ruperto Santos ang Episcopal Coordinator ng Divine Mercy Apostolate Asia and Divine Mercy Philippines.

Dadalo rin sa LUACOM 2023 ang missionary of mercy priests na itinalaga ni Pope Francis kung saan maggagawad ito ng sakramento ng pagbabalik loob sa mga nagnanais mangumpisal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 15,111 total views

 15,111 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,779 total views

 23,779 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,959 total views

 31,959 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,962 total views

 27,962 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 40,013 total views

 40,013 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,660 total views

 5,660 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,267 total views

 11,267 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,422 total views

 16,422 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top