6 na Diocese at Apostolic Vicariate ang “sede vacante” sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,005 total reads

Kasunod ng pagretiro ni Antipolo Bishop Francisco De Leon ay nasa anim na ang sede vacante sa Pilipinas.

Ito ay makaraang italaga ni Pope Francis si Balanga Bishop Ruperto Santos bilang kahalili ni Bishop De Leon sa Antipolo nitong May 24, 2023.

Sa pagsaliksik ng Radio Veritas, October 2019 nang mabakante ang Diocese of Alaminos nang italaga si Archbishop Ricardo Baccay sa Archdiocese of Tuguegarao, November 2022 nang mabakante ang Apostolic Vicariate of Calapan sa Mindoro dahil sa karamdaman ni Bishop Warlito Cajandig, March 3 ng kasalukuyang taon nang italagang arsobispo ng Capiz si Archbishop Victor Bendico kaya’t sede vacante ang Diocese of Baguio.

Sa pagpanaw ni Bishop Victor Ocampo noong March 16, 2023 sede vancante ngayon ang Diocese of Gumaca, April 25 nang italagang ikapitong arsobispo si Bishop Julius Tonel sa Archdiocese of Zamboanga dahilan upang mabakante ang Diocese of Ipil at ikaanim na sede vacante sa bansa ang Diocese of Balanga sa Bataan na pinanggalingan ni Bishop Santos.

Nasasaad sa canon law [Can. 401] na kinakailangang magsumite ng resignation letter ang isang obispo sa edad na 75 taong gulang hudyat na sisimulan ng Vatican ang proseso sa paghahanap ng kahalili na maaring mapalawig batay sa desisyon ng Santo Papa.

Bukod sa anim na sede vacante apat na pinunong pastol ang nasa mandatory retirement age ngayong taon, ang 76 taong gulang na si Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona; Virac Bishop Manolo de los Santos; Cubao Bishop Honesto Ongtioco na magdiriwang ng ika – 75 kaarawan sa Oktubre habang sa Disyembre naman si Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 189,260 total reads

 189,260 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 259,813 total reads

 259,813 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 293,262 total reads

 293,262 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 328,562 total reads

 328,562 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 547,448 total reads

 547,448 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top