Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Information drive sa Universal Health Care Law, palalakasin

SHARE THE TRUTH

 1,574 total views

Binigyang diin ni Malasakit at Bayanihan Partylist Representative Anthony Golez na mahalagang maunawaan ng bawat Pilipino ang nilalaman ng Universal Health Care Law.

Sinabi ni Golez na sa pamamagitan ng batas ay mabigyang kalinga ang pangangailangang pangkalusugan ng mamamayan.

“Dito sa Universal Health Care law mahalaga po na malaman natin na ito ang susi para ma improve ang health care system natin. Pini-prepare po iyan more than 20 years ago and now is the time to implement it,” pahayag ni Golez sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng mambabatas 2004 nang magkaroon ang Department of Health ng Health Sector Reform Agenda tungo sa universal healthcare na kasalukuyang ipinatutupad.

Tinukoy ni Golez na kabilang sa mandato ng batas ang pagpapaigting sa primary health care centers sa mga kanayunan upang matugunan ang kalusugan ng mamamayan at maiwasan ang paglala ng karamdaman.

“Ang importante po dito ang Department of Health turuan ang lahat ng Local Government Unit about its implementation,” ani Golez.

Ibinahagi rin nito ang pinalakas na ‘Konsulta Package’ na kabilang sa Universal Health Care Law na ipinatutupad ng Philhealth na mapakikinabangan ng mga Pilipino.

Tampok sa programa ang 500 hanggang 750 pisong konsulta package sa mga partner healthcare facilities kung saan bukod sa pagpapakonsulta kasama rin dito ang mga gamot at laboratory.

Tiniyak ni Golez na gumagawa rin ito ng hakbang na matulungan ang DOH sa pagtugon sa pangangailangan ng healthcare workers upang manatili sa bansa at maglingkod sa mga Pilipino.

Kabilang sa hakbang ang pagbibigay ng plantilla positions sa mga doctor na katuwang ng pamahalaan sa health sector alinsunod sa ulat ng DOH na may nalalabing pitong bilyong piso para sa plantilla position.

Una nang sinuportahan ng simbahang katolika ang Universal Health Care Law at iba pang kaakibat na programa ng pamahalaan na magpapabuti sa sektor ng kalusugan sa bansa na makatutugon sa mga suliranin tulad ng nagdaang pandemya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,215 total views

 13,215 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 21,883 total views

 21,883 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 30,063 total views

 30,063 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 26,097 total views

 26,097 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 38,148 total views

 38,148 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,462 total views

 5,462 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,069 total views

 11,069 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,224 total views

 16,224 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top