Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangangalaga sa kapakanan ng PDLs, tiniyak ng bagong chairman ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

 4,511 total views

Tiniyak ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio ang pagpapaigting sa mga programang mangangalaga sa persons deprived of liberty o PDL.

Ito ang mensahe ng obispo makaraang maihalal bilang chairman ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa katatapos na 126th plenary assembly na ginanap sa Kalibo Aklan.

Sinabi ng punong pastol ng military diocese na isa itong pamamaraan upang higit maisabuhay ang mensahe ng Santo Papa Francisco na kalingain ang mga nangangailangan sa lipunan kabilang na ang mga bilanggo..

“It’s a task which the Holy Father keeps on reminding us: the people in the peripheries. The PDLs are the focus of the commission, I hope to continue and to intensify our care and love for them,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Nagpasalamat si Bishop Florencio sa mga kasamahang obispo sa pagtitiwalang ibinigay na pangasiwaan ang prison ministry ng simbahan.

Sinabi ng obispo na magandang pagkakataon din ito lalo’t kasapi ng military diocese ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nangangasiwa sa mga piitan sa bansa.

Isa sa mga pinalalakas na gawain ni Bishop Florencio ang pagdalaw sa iba’t ibang kampo at tanggapan ng security forces ng bansa.

Magsisimulang manilbihan si Bishop Florencio sa prison ministry sa December 1, 2023 kahalili ni Legazpi Bishop Joel Baylon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 12,706 total views

 12,706 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 21,375 total views

 21,375 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 29,555 total views

 29,555 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 25,599 total views

 25,599 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,650 total views

 37,650 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,410 total views

 5,410 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,017 total views

 11,017 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,172 total views

 16,172 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top