Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pinuno ng pamahalaan, simbahan; dapat tugunan ang tungkulin sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 33,513 total views

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang lahat ng lider ng pamayanan maging ang simbahan na gampanan ang kanilang mga tungkulin.

Ayon kay CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagiging lider ay may kaakibat na pananagutan sa Diyos kaya’t mahalagang gampanan ito nang buong katapatan.

“Malaki ang pananagutan sa Diyos tayong may mga leadership roles. Tayo ay katiwala ng ating posisyon at ito ay isang responsibilidad.” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Sinabi ng obispo na dapat paninindigan ng mga lider ang tiwalang ibinigay ng Diyos upang pangasiwaan ang pamayanan at huwag sayangin ang pagkakataong paglingkuran ang kapwa.

Ayon pa kay Bishop Pabillo bukod sa mga halal na lider ng bayan kabilang na rin dito ang mga pastol ng simbahan, mga guro, magulang at iba pang indibidwal na inatasang mamuno sa mga komunidad na kinabibilangan.

Tinuran ng opisyal ng CBCP ang katatapos na barangay at sangguniang kabataan elections kung saan hinamon ang mga nanalong indibidwal na gampanan ang kanilang tungkulin sa pamayanan lalo na ang pag-unlad ng mga barangay at paglingap sa bawat nasasakupan.

“Ang pagiging leader ay service natin sa iba at hindi para sa ating sariling kapakinabangan.” giit ni Bishop Pabillo.

Giit pa ng obispo, dapat pagnilayan ng mga lider ang kanilang uri ng pamumuno kung naisasabuhay ang pagiging pinuno at nagampanan ang mga tungkulin sa pamayanang gabayan ang nasasakupan.

Sa nakalipas na BSKE naihalal ang mahigit sa 42 libong barangay kapitan at sangguniang kabataan chairperson at mahigit sa 300, 000 kagawad sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 26,615 total views

 26,615 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 35,283 total views

 35,283 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 43,463 total views

 43,463 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 39,174 total views

 39,174 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 51,224 total views

 51,224 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 6,761 total views

 6,761 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 12,368 total views

 12,368 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 17,523 total views

 17,523 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top