Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

P10 wage hike, balewala dahil sa inflation rate – UFCC

SHARE THE TRUTH

 194 total views

Balewala rin ang P10 dagdag sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Ayon kay RJ Javallana, convenor ng Union of Filipino Consumers and Commuters, ito’y dahil patuloy din ang inflation rate o pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Aniya, ang suweldo ngayon ay halos 44% lamang ang kayang abutin para mabuhay ang isang pamilya.

“Sa aming pagtingin at iba pang samahan ang kasalukuyang inflation ay patuloy na nagbibigay ng dagdag-pahirap sa mamamayan dahil sumasabay o tumutugma ito sa batayang living wage na kailangan sana ng mga mangagagwa natin, ngayon ang P10 na ibinigay ay napakaliit na umaabot lamang na almost 44% ng nakabubuhay na sahod ng isang manggagawa na sana ay umabot sa 1,088.” Pahayag ni Javallana sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon kay Javallana, nitong nakaraang Pebrero nasa .09% ang inflation rate na tumaas ng 1.1% noong April.

Pahayag ni Javallana, mas mataas pa rin ang pangangailangan ng isang pamilya kumpara sa pondong pumapasok sa kanila.

“Itong mga batayang mga pangangailangan pagdating sa pagkain, malaki ang layo kapag ikinukumpara natin sa iba pang pangangailangan ng isang pamilya, halimbawa, patuloy ang taas sa singil sa ating tubig, ang kuryente, isa sa pinakamataas ang halaga sa buong Asya kaya anuman ang naging galaw sa pagtaas sa sahod eh gumalaw din ang inflation ay tinitingnan din ito ng dveleopment budget ng coordination committee ang target na inflation for 2016 na sila mismo ang naglabas, maari pa itong umakyat sa 2-4 % hanggang matapos ang 2016, tataas pa rin na makakaapekto sa kalagayan ng mga Filipino na malayong malayo sa dagdag na sahod ngayon.” Ayon pa kay Javallana

Sa ngayon nasa P491 ang minimum wage sa Metro Manila

Sa Social Doctrine of the Church, kinakailangan na ang estado at mga may-ari ng kumpanya ay nagbibigay ng sapat na benepisyo sa mga manggagawa gaya ng pagtaas sa sahod na akma sa kanilang kabuhayan at ligtas na pagawaan upang magkaroon sila ng dignidad kasama ang kanilang pamilya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 23,342 total views

 23,342 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 34,506 total views

 34,506 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 70,784 total views

 70,784 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 88,586 total views

 88,586 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 75,559 total views

 75,559 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 101,374 total views

 101,374 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 138,908 total views

 138,908 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567