Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, hindi nagtatago sa pandemya

SHARE THE TRUTH

 337 total views

April 13, 2020, 2:06PM

Bagama’t bahagi na ng tungkulin bilang lingkod ng simbahan, personal ding kagustuhan ng mga paring relihiyoso na maglingkod sa mamamayan sa kabila ng panganib na dulot ng Novel Coronavirus.

Ayon kay Fr. Angel Cortez ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP), kinakailangan ng bawat isa na tumulong sa pamahalaan at mamamayan sa abot ng kanilang kakakayanan na ang layunin ay masupil ang pagkalat ng sakit.

“Bago naman suungin ng mga relihiyosong ito ay alam na nila ang risk at pinapaalalahanan din tayo ng CBCP at leaders. Pero sino ba naman ang hindi mahahabag sa sitwasyon ngayon. So personal choice na po ito ng mga religious na talagang humaraharap dito sa ganitong pangyayari,” ayon sa pahayag ni Fr. Cortez.

Ikinalulungkot din ni Fr. Cortez na ibalita ang pagpanaw ng sampung Franciscans priest sa Italya dulot ng Covid-19 na nagsilbing mga doktor at medical frontliners.

Unang ipinagluksa ng simbahan sa Pilipinas ang pagpanaw ng isang seminarista mula sa Redemptoris Mater Seminary dulot din ng pagkahawa sa virus.

Tiniyak din ni Fr. Cortez ang patuloy na paglilingkod sa publiko sa kabila ng banta ng pandemya lalu’t pinalawig ng pamahalaan ang Enhance Community Quarantine (ECQ) sa kalakhang Maynila.

“Sa panahong ito ay hinahanap ng iba ang simbahan, hindi na nila kailangang hanapin dahil hindi naman tayo nagtatago. Tayo ay nandito lang sa tabi-tabi at ginagawa ang ating tungkulin,” ayon kay Fr. Cortez.

Ilan sa mga pinagkakaabalahan ng mga Catholic congregation ang pagbibigay ng matutuluyan sa mga medical frontliners, pulis at mga walang tahanan.

Ilan din sa mga inistyatibo ang pagsasagawa ng mobile kitchen para sa nagugutom gayundin ang pamamahagi ng relief goods sa mga mahihirap na komunidad.

Sa Pilipinas, tinatayang may 300 religious congregation ang miyembro ng AMRSP.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 32,163 total views

 32,163 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 43,327 total views

 43,327 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 79,426 total views

 79,426 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 97,228 total views

 97,228 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Sana ay mali kami

 1,075 total views

 1,075 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 33,930 total views

 33,930 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 14,667 total views

 14,667 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »
1234567