Smart City reclamation project, binatikos ng Diocese of Dumaguete

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 680 total reads

Kinondena ng Diyosesis ng Dumaguete ang binabalak na 174-hectare na Dumaguete Reclamation Extension Project o Smart City na napagkasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng lungsod at kumpanyang E.M. Cuerpo, Inc.

Ayon sa liham ng Diyosesis para kay Architect Celerino Cuerpo, ang may-ari ng kumpanyang katuwang ng lokal na pamahalaan sa proyekto, bagamat ito’y makatutulong para sa pag-unlad ng lungsod, naniniwala ang lokal na simbahan na ang proyekto ay magdudulot ng matinding pinsala lalo’t higit sa kalikasan, maging sa buhay ng mga naninirahan sa mga lokal na komunidad.

“While we acknowledge the intention of the Local Government of Dumaguete City to promote economic, social and political development, we strongly believe that massive projects like the [Dumaguete Reclamation Extension Project – Smart City] must also consider the scientific and environmental implications, not to mention its impacts on the cultural and moral life of the people on the local community,” bahagi ng pahayag ng Diyosesis.

Nakasaad din sa liham na nagkaroon ng pagpupulong noong Marso 24, 2021 sa pangunguna ng Diyosesis at dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan ng ahensya ng pamahalaan at mga organisasyon, kung saan tinalakay ang iba’t ibang saloobin hinggil sa nasabing proyekto.

Dito’y binigyang diin ng mga eksperto sa kalikasan na maaaring magdulot ng matinding panganib at pinsala ang reclamation project sa yamang-tubig, lalo na sa kabuhayan at kaligtasan ng mga lokal na residente ng Dumaguete City.

“… Our invited scientists pointed out the overwhelming environmental threats and damages which the reclamation may cause particularly to the diverse marine life as well as to the local communities in Dumaguete City,” ayon sa pahayag.

Ninanais naman ng Diyosesis na magsagawa ng ‘open public forum’ upang muling talakayin ang binabalak na proyekto, nang sa gayon ay maipahayag ng mamamayan at iba pang institusyon ang kanilang mga saloobin upang maitaguyod ang malinaw at maayos na dayalogo para sa lahat.

Kabilang sa mga lumagda sa liham sina Dumaguete Bishop Julito Cortes; Vicar General Msgr. Glenn Corsiga; Diocesan Chancellor Fr. Gonzalo Omison II; at Episcopal Vicar for Dumaguete City Parishes Msgr. Robert Bongoyan, HP.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 18,624 total reads

 18,624 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,322 total reads

 19,322 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 36,926 total reads

 36,926 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 74,304 total reads

 74,304 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 105,572 total reads

 105,572 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 180,495 total reads

 180,495 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 272,882 total reads

 272,882 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,571 total reads

 74,571 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top