Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa “Day of Prayer, Fasting and Penance”.

SHARE THE TRUTH

 449 total views

Inaanyayahan ng Diyosesis ng Tarlac ang mananampalataya sa isasagawang ‘Day of Prayer, Fasting and Penance’ sa pangunguna ni Bishop Enrique Macaraeg.

Layunin ng gawain ang sama-samang magpapakumbabang pagdulog sa Diyos upang hingin ang habag at awa at tuluyang mawakasan ang coronavirus pandemic.

“As your pastor and shepherd, I ask you that we be united as God’s family on October 1, 2021, First Friday of the month and the Memorial of St. Therese of the Child Jesus to Pray, Fast and do Penance for the forgiveness of sins and for the end of this pandemic,” bahagi ng pahayag ni Bishop Macaraeg.

Tinuran ng obispo ang sinabi ng Panginoon sa banal na kasulatan na diringgin at pagagalingin nito ang sinumang lumuluhod at magbalik loob sa Diyos.

Pangungunahan ni Bishop Macaraeg ang Prayer of Exorcism sa San Sebastian Cathedral ganap na alas nuwebe ng umaga.

Isasagawa rin ang pagtatanod sa Banal na Sakramento at pag-aalay ng banal na misa bilang ito ay First Friday ng buwan ng Oktubre.

Hinimok din ng obispo ang mananampalataya na mag-ayuno kung saan susundin lamang ang alintuntunin ng pag-aayuno tuwing Ash Wednesday at Good Friday.

Magkakaroon din ng pangungumpisal, pagkakawanggawa sa mga higit nangangailangan sa lipunan.

Hinikayat din ni Bishop Macaraeg ang lahat ng mag-alay ng panahon sa pananalangin lalo ng Banal na rosaryo sapagkat ito rin ang simula ng buwan ng rosaryo.

“There is no need to gather as a multitude to pray. Let our homes, parishes, small communities be the focal point of prayer and penance,” ani Bishop Macaraeg.

Suportado naman ng lokal na pamahalaan ng Tarlac City ang hakbang ng diyosesis kaya’t hinimok nito ang mamamayan na makiisa sa gawain maging ang iba ang pananampalataya.

Sa datos ng Department of Health umabot na sa 2.5 milyon ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa kung saan sa Tarlac nasa 15 libo ang kabuuang kaso subalit 163 lamang ang active cases.

Unang isinagawa ng Archdiocese of Manila ang ‘Day of Prayer, Fasting ang Penitential Walk’ noong June 1 sa pangunguna ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo kasama ang mga pastol ng simbahan ng arkidiyosesis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,581 total views

 14,581 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,249 total views

 23,249 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,429 total views

 31,429 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,443 total views

 27,443 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 39,494 total views

 39,494 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 5,609 total views

 5,609 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 11,216 total views

 11,216 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 16,371 total views

 16,371 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top