
Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM
773 total views
Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga partisan o ilang pulitiko upang maproteksiyunan mula sa katiwalian.
Sa pamamagitan ng opisyal na pahayag ay nilinaw ng ANIM na ang samahan ay nananatiling isang non-partisan citizens’ coalition na binubuo ng anim na pangunahing sektor ng lipunan kabilang na ang Simbahan, mga civic organizations, kabataan, negosyante, manggagawa, at mga retiradong miyembro ng militar at unipormadong hanay na naghahanap ng pagbabago sa lipunan.
Ayon kay Roberto Yap, Lead Convenor ng ANIM, layunin ng alyansa na ipagtanggol ang demokrasya, isulong ang pananagutan sa pamahalaan, at pangalagaan ang alituntunin ng batas.
“In light of various misleading news reports and online commentaries, the Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) issues this claritication to set the record straight. ANIM calegorically denies and rejects any insinuation or claim linking the organization or its convenors to partisan or unconstitutional activities. ANIM is, and will always remain, a non-partisan citizens’ coalition composed of six major sectors of society – the church, civic organizations, youth, business, labor, and retired military and uniformed personnel – united by a shared commitment to defend democracy. promote accountability, and uphold the rule of law.” Bahagi ng pahayag ng ANIM.
Binigyang-diin ng ANIM na nakatuon ang pagkilos ng koalisyon sa tatlong pangunahing adbokasiya na kinabibilangan ng; Ang Laban sa Korapsyon na nananawagan ng ganap na transparency at accountability sa lahat ng sangay ng pamahalaan; Ang Pagtatapos sa Political Dynasties na pagsusulong inclusive at merit-based leadership upang mawakasan ang monopolyo ng kapangyarihan ng iilang pamilya; at Ang Komprehensibong Reporma sa Halalan na nagsusulong ng malinis, mapagkakatiwalaan, at ligtas sa manipulasyon na proseso ng halalan na tunay na sumasalamin sa kalooban ng sambayanang Pilipino.
Pagbabahagi ni Yap, lahat ng gawain ng ANIM ay mapayapa, konstitusyonal, at nakabatay sa moral na paninindigan.
Ipinahayag din ng alyansa na hindi kinukunsinti ng grupo ang anumang aksyon o pahayag ng mga indibidwal na miyembro na salungat sa kanilang mga prinsipyo o kolektibong pasya.
“If there are individual members who make statements or take actions inconsistent with ANIM’s principles, advocacies, or collective decisions, they do so in their personal capacities. Such actions and pronouncements are not sanctioned, endorsed, or representative of ANIM as a movement” Dagdag ng grupo.
Samantala, nanawagan naman ang ANIM sa publiko na maging mapanuri laban sa disinformation at mga maling balita na naglalayong pahinain o dungisan ang mga makatuwirang kilusan na naagsusulong ng reporma sa bansa.
“We call on the public to remain vigilant against disinformation, false narratives, and divisive efforts meant to discredit legitimate, lawful, and moral movements for reform. The pursuit of truth, transparoney, and good governance is not an act of poitics it is an act of patriotism.” Ayon pa sa ANIM.
Iginiit ni Yap na ang misyon ng ANIM ay hindi nakatuon sa pulitika, kundi sa pagpapalakas ng pananampalataya sa demokrasya, katotohanan, at kabutihang panlahat kasabay ng pagsusulong ng tungkuling moral na higit na mahalaga sa kasalukuyang panahon na puno ng maling impormasyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa katungkulan.